Maja napaiyak sa presscon ng ‘World Of Dance’ dahil kay Gary
May lovelife naman pala si Maja Salvador.
This, she disclosed sa set visit ng World Of Dance Philippines.
“Oo nga. Non-showbiz nga. Siyempre, orange ang lipstick (ko),” say ni Maja when asked kung may boyfriend siya.
Kahit na anong pilit ay hindi nagbigay ng clue si Maja about her current boyfriend. Paulit-ulit na non-showbiz lang ang kanyang binabanggit.
When asked kung nasa anong larangan ang kanyang dyowa, paiwas pa rin ang sagot ni Maja, “May hawak siyang larawan ko, hindi larangan,” she quipped.
At one point during the interview ay napaiyak si Maja dahil ikinuwento niya kung paano siya na-inspire ni Gary Valenciano na sobrang humanga sa kanya pagkakitang-pagkakita sa isang dance rehearsal ng dalaga for ASAP. Hindi pa siya kilala ni Gary V noon.
Maja recalled na noong nagkasakit si Gary ay gusto niya itong puntahan pero wala siyang lakas ng loob na makita itong mahina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.