P3M reward sa killer ng kapitana | Bandera

P3M reward sa killer ng kapitana

Leifbilly Begas |January 31,2019
facebook
share this

P3M reward sa killer ng kapitana

Leifbilly Begas - January 31, 2019 - 02:51 PM

NAG-ALOK ng P3 milyon reward ang Quezon City government para sa agarang pagkakaaresto sa pumaslang sa kapitan ng Barangay na tumatakbong kongresista.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar malaki ang maitutulong ng reward money upang makakalap ng impormasyon sa pumaslang kay Kapitana Crisell “Beng” Beltran, ng Brgy. Bagong Silangan.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy nag motibo sa pamamaslang.

Isang special investigation team ang binuo ng Quezon City Police District upang tutukan ang kaso.

Sakay si Beltran ng isang SUV ng pagbabarilin ng riding in tandem sa JP Rizal Street malapit sa Filinvest 2. Nasawi rin ang kanyang driver.

Papunta sa isang meeting ang biktima at galing sa barangay hall.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending