Wowowin mauubos na ang nakapondong episodes; Willie tumigil sa pagte-taping | Bandera

Wowowin mauubos na ang nakapondong episodes; Willie tumigil sa pagte-taping

Cristy Fermin |February 01,2019
facebook
share this

Wowowin mauubos na ang nakapondong episodes; Willie tumigil sa pagte-taping

Cristy Fermin - February 01, 2019 - 12:10 AM

WILLIE REVILLAME

Hanggang sa susunod na linggo na lang ang pondo ng Wowowin. Wala na silang maipalalabas na episode pagkatapos nu’n kung hindi pa rin babalik sa pagte-taping ang programa ni Willie Revillame.

Matinding lungkot ang bitbit ngayon ni Willie, mas gusto niyang mamalagi ngayon sa kanyang bahay-bakasyunan sa Mindoro, hindi man siya makalilimot nang isandaang porsiyento du’n ay malaking bagay ang magandang kapaligiran.

“Nu’ng mangyari ang aksidente sa show, pinatapos muna ng staff niya ang second taping bago nila sinabi kay Willie ang nangyari. Kung malalaman niya kasi agad ‘yun, e, siguradong stop taping na sila. Si Willie pa?

“Hindi na siya papayag na ituloy ang trabaho nila, siguradong aalis siya para puntahan ang mga naaksidenteng fans niya, walang makapipigil sa kanya.

“Nu’ng malaman ni Willie ang nangyari, bagsak ang balikat niya, kitang-kita mo ‘yung concern sa kanya, du’n na siya sumugod sa ospital kung saan nandu’n ang mga naaksidente niyang tagasuporta,” kuwento ng aming kaibigan mula sa Wowowin.

Walang may gusto sa naganap, hinding-hindi ikatatahimik ng kalooban ng aktor-TV host ang nangyari, hanggang ngayon ay ginagamot pa rin niya ang sugat ng isang taong sobrang magmahal sa kanyang mga tagasuporta pero nawalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending