Magkano ang kailangan nina Ice at Liza para magka-baby? | Bandera

Magkano ang kailangan nina Ice at Liza para magka-baby?

Ervin Santiago - January 31, 2019 - 12:10 AM

LIZA DIÑO AT ICE SEGUERRA

HINDI pa naman daw umaabot sa P1 million ang nagagastos ng mag-asawang Liza Dino at Ice Seguerra sa unang phase ng in vitro fertilization.

Sumailalim kamakailan si Ice sa “egg harvesting” na susundan ng fertilized embryo transfer, kung saan ipagbubuntis ni Liza ang magiging anak nila ni Ice sa pamamagitan ng sperm donor.

Ayon kina Liza at Ice, napakamahal ng nasabing proseso. Base sa isang website ang isang Drug Free (Natural Cycle) IVF Cycle ay nagkakahalaga ng P200,000. Kasama na sa IVF package na ito ang egg retrieval/harvesting, IVF with or without ICSI, embryo culture, at embryo transfer.

Bukod pa rito ang bayad para sa pagkuha ng sperm donor, na umaabot sa humigit-kumulang P50,000.

Pero sa ngayon daw, hindi pa umaabot sa milyones ang inilalabas ng mag-asawa para sa magiging panganay nilang baby.

Kuwento ni Liza, nakapili na rin sila ng sperm donor mula sa isang cryobank sa US, “Yes, meron na. Nakita namin yung profile niya. Yung napili namin parang summa cum laude. So more or less, nakilala na namin yung donor.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending