ITO ang karaniwang tanong ng mga alagad ng batas na naitatalaga sa ganitong mga situwasyon. Kung sila ang tatanungin, dapat walang media, dahil istorbo lang ito sa operasyon. Naglalaro sa kanilang isipan na nagpasya ang NBI na magdala ng media dahil anuman ang mangyari, kung walang media, ay babalikan sila ng pamilya sa pamamagitan ng mga kaso, o santambak na reklamo na baka makarating pa sa human rights commission (na naman). Nang magkaroon ng media, hayan at napanood ng lahat na itinaya ng NBI ang kanilang buhay. Hinarap nila, hawak ang .45, ang puwersa ni Ivler, na hawak ang M16. Bagaman sa mata ng mga shooters na may mga mali sa tactical engagement (dapat isinagawa ng shooter ang double tap at biglang magbabago ng posisyon, at hindi single tap, na di nagbabago ng posisyon), sinasaluduhan pa rin nila ang NBI na nagbuwis ng kanilang buhay. Paanyaya ng mga shooter sa NBI: kita-kits tayo sa firing range at ensayuhin natin ang engagement sa loob lamang ng limang segundo.
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 011910
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.