Arjo Atayde nakiusap sa ‘ArMaine’ fans: Please, huwag n’yo nang idamay si Alden
NAIPIT si Alden Something when Arjo Atayde admitted na exclusively dating na sila ni Maine Mendoza.
Sa presscon ng movie niyang “TOL” inamin ni Arjo na nagde-date nga sila ni Maine. With that admission ay na-bash nang husto si Arjo. Actually, maging si Maine. Si Alden kasi pinaasa lang niya ang AlDub fans na merong romantic something sa kanilang dalawa ni Maine.
Aware that Alden is being dragged into the mess, nakiusap si Arjo na i-spare si Alden sa intriga sa kanila ni Maine.
“Wag na po idamay si Alden please. Lets just keep quiet and move on.
“I appreciate you, don’t get me wrong. But just be better person and be happy. The negative energy they give is useless it ain’t changing anything so smile!!!THANK YOU SAINYO.”
‘Yan ang magkasunod na tweet ni Arjo.
Nag-away naman ang maka-Alden at maka-Maine sa isang popular website. Ayaw nilang magpatalbog sa isa’t isa.
“Ang tahimik ni Alden di nakikialam, ADN lang naman umaaway sa kanya. Pag pinakialaman si Alden saka sasali Alden fans. Problema kasi nitong fans ni Maine ayaw tumigil kakabanggit kay Alden.”
“Uy nahiya naman kami sa kabastusan ng bibig ng core fans ni Alden. Malakas nga loob ng anays kasi protektado at kinukunsinti ng idol. O tama na kasi! Ayaw nyo kay Maine, move on. Happy na si Maine. Don’t rain on her/our parade.”
“Kayo ito ayaw mag move on. Ayan nga sinita na kayo ni Arjo, panay post pa rin kayo about Alden. Maging happy na lang kayo sa idol nyo at kay Arjo.”
“Kayo ata nauna sa mga ganyan at worst personal attack pa kaya ginagantihan kayo. Yung inyo gawa gawang istorya pa at least yung kanila mismong si Yaya naglalabas ng resibo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.