LizQuen nag-ala John Cusack at Kate Beckinsale sa New York | Bandera

LizQuen nag-ala John Cusack at Kate Beckinsale sa New York

Reggee Bonoan - January 27, 2019 - 12:25 AM

ENRIQUE GIL AT LIZA SOBERANO

HABANG tinitingnan namin ang mga larawan nina Liza Soberano at Enrique Gil na kuha sa Central Park skating rink, Manhattan New York, USA ay relate na relate kami.

Ipinost ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook page ang mga litrato ng LizQuen sa Central Park skating rink kung saan ramdam na ramdam din namin ang sobrang lamig sa lugar dahil narating na rin namin ito sa kaparehong panahon.

Nitong Enero 22 ay lumipad pa-New York City ang magka-loveteam para sa karagdagang eksena sa pelikula nilang “Alone/Together” na idinidirek ni Antoinette Jadaone. Bukod sa Star Cinema, kasama rin sila ng kanyang boyfriend na si direk Dan Villegas bilang producer ng pelikula.

Nanghula kami kung anong mga eksena ang kukunan sa NYC, baka siguro kailangan nila ng snow or baka mahalaga sa istorya ang Times Square, Statue of Liberty, Empire State Building, Brooklyn Bridge at ang famous Central Park.

At sakto nga, nasa Central Park skating rink ang LizQuen kung saan sila nag-ala Kate Beckinsale at John Cusack sa pelikulang “Serendipity” (2001).

Gusto na tuloy naming mapanood ang “Alone/Together” dahil curious kami kung ano ang mga eksenang kinunan sa nasabing lugar.

Napakarami nang Hollywood movies ang nag-shoot sa Central Park skating rink kabilang na ang “Mr. Popper’s Penguins”, “Home Alone 2”, “Maid In Manhattan,” “Spiderman,” “Avengers,” “The Devil Wears Prada,” “When In Rome,” “Bride Wars” at napakarami pang iba.

Sa dami ng mga pelikulang Pinoy na kinunan na sa ibang bansa ay parang itong “Alone/Together” nina Liza at Enrique lang ang may kuha sa nasabing pamosong skating rink.

Kitang-kita na nangangatog sa ginaw ang LizQuen base na rin sa mga patong-patong na suot nilang heattech socks at makakapal na jacket.

Maging ang production team sa pangunguna nina Direk Antoinette at Direk Dan ay ginaw na ginaw din.
Sa Peb. 13 na mapapanood ang “Alone/Together” mula sa Star Cinema at Project 8 Corner San Joaquin Project.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending