Pelikula nina McCoy at Elisse minalas | Bandera

Pelikula nina McCoy at Elisse minalas

Reggee Bonoan - January 27, 2019 - 12:20 AM

ELISSE JOSON AT MCCOY DE LEON

“Sayang naman ‘yung movie ng McLisse. Bakit kaya hindi na kinagat ang loveteam nila?” Ito ang tsika ng nakausap naming movie producer tungkol sa naging resulta sa takilya ng pelikulang “Sakaling Maging Tayo” nina Elisse Joson at McCoy de Leon.

Dagdag pa ng kausap namin, “Bakit kasi kung kailan hiwalay na saka ipinalabas, siyempre hindi na kikiligin ang mga fans.”

Ang pagkakaalam namin ay inabutan ng paghihiwalay ang pelikula nina McCoy at Elisse dahil dati naman ay okay sila, sino ba naman kasing mag-aakalang maghihiwalay sila, e, halos langgamin na sila noon sa sobrang ka-sweetan.

Saksi rin kami kung paano magtilian ang kanilang supporters kapag nakikita silang magkasama at trending din sila lagi sa social media. Kaya ang tanong nga naman ng lahat, anyare?

Pero sa kabila nga nito, naging professional naman ang McLisse dahil tinapos pa rin nila ang pelikula nila at sabay ding nag-promote, ‘yun nga lang hindi na sila sweet.

Anyway, naobserbahan naming mukhang mas maganda yatang naghiwalay ang McLisse dahil ang dami nilang solo projects, lalo na si McCoy na bibida sa mini-series na Project Feb 14 sa digital flatporm ng ABS-CBN mula as Dreamcape Digital kasama sina JC Santos at Jane Oneiza na isinulat at idinirek ni Jason Paul Laxamana.

Bukod dito, bida rin si McCoy sa bagong season ng Wansapanataym. At si Elisse naman na katatapos lang lumabas sa seryeng Ngayon At Kailanman nina Julia Barretto at Joshua Garcia ay may mga nakalinya na ring proyekto sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending