Arjo, Maine ‘exclusively dating’ na; AlDub Nation kapit lang, hinding-hindi susuko
KAPIT lang ang AlDub Nation kahit na nga may deklarasyon si Arjo Atayde na “exclusively dating” na ang status nila ni Maine Mendoza.
Pinakalat agad ng ADN ang kanilang stand sa issue gamit ang hashtag na #ALDUBNATIONMuna sa Twitter. Kanya-kanya sila ng tweets at retweets upang sabihin sa buong mundo na nagsimula sila bilang ADN at magwawakas na ADN pa rin.
“Ayaw ko saktan sarili ko kaya ayaw kong maniwala dun sa interview basta ako love ko AlDub pasensiya na po sila gusto ko,” ayon kay @Evangelinestarosa.
“Exclusively dating? O e ba’t magkasama ung mga FRIENDS – na tawagin na lang natin sa pangalan na RICK & MING – KAHAPON sa ANO?!?” comment naman ni @leyah_q.
“Ang fandom na may busilak na puso, matulungin sa kapwa at mapagmahal. Yan ang AlDub Nation. ADN sobrang proud ako sa inyo!” pahayag ni @maricarjh.
Ayon naman kay @dailyaldubpolls, “We’ve faced the strongest storms over the past 3 years but we remained steadfast. We still chose to continue sailing the ship despite of those hardships. We LOVE and TRUST you both unconditionally.”
“We signed in as ALDUB, we will be signing off as ALDUB,” ang komento naman ng @ALDUBNATION.
q q q
Bentang-benta sa viewers at listeners ng segment ni Mike Enriquez sa DZBB tuwing alas-otso hanggang alas-nuwebe ng umaga, ang “Ikaw Na Ba?” Sa loob ng isang oras ay dalawang senatoriables ang makakapanayam ni Mike.
Matapang at diretsahan ang tanong ni Mike sa current issues sa bansa at issues na kailangan sagutin ng mga panauhin niyang senatoriables.
Sa pamamagitan nito nasusuri ng viewers at listeners ang talino at kawalan ng alam ng kumakandidato.
Kaugnay pa rin ng 2019 elections, isang mas malaking pasabog ang inihahanda ng GMA News & Public Affairs, ito ang “Debate 2019: The GMA Senatorial Face Off” na mapapanood sa Feb. 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.