'Hindi kailangang gamitin ni Arjo si Maine para magkatrabaho!' | Bandera

‘Hindi kailangang gamitin ni Arjo si Maine para magkatrabaho!’

Cristy Fermin |January 24,2019
facebook
share this

‘Hindi kailangang gamitin ni Arjo si Maine para magkatrabaho!’

Cristy Fermin - January 24, 2019 - 12:20 AM


SA unang gabi pa lang ng seryeng The General’s Daughter ay napansin na agad ng manonood ang mahusay na pagganap ni Arjo Atayde. Totoo, ang mahusay na artista ay walang pinipiling role, kahit saan siya ilagay ay siguradong papalakpakan siya, tulad ni Arjo Atayde.

Autistic na anak ni Maricel Soriano ang papel na ginagampanan ng binatang aktor sa serye. Sila ang nakatagpo sa nabaril-nalunod na si Angel Locsin sa kuwento.

Sa unang eksena pa lang ni Arjo nang makita niya si Angel na pinagkamalan niyang sirena ay naagaw na niya ang atensiyon ng publiko.

Sa una at pangalawang gabi ng The General’s Daughter ay si Arjo ang pinag-uusapan kahit saan. Ang galing-galing niya kasing magbigay-buhay sa anumang role na ipinagkakatiwala sa kanya.

Wala sa tiyempo ang pamba-bash sa kanya ng mga tagasuporta ni Maine Mendoza na ginagamit daw niya ang dalaga para lang siya sumikat at magkaroon ng mga proyekto.

Saan ba nagsipanggaling ang mga taong ito, alam ba nila ang kanilang mga sinasabi, kahit ang kanyang ina ay hindi kailangang gamitin ni Arjo para lang siya magkatrabaho.

Talento niya ang pambenta ng aktor, ang husay niyang umarte ang kanyang puhunan, kaya maghunos-dili ang mga tagasuporta ni Maine Mendoza na humuhusga kay Arjo Atayde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending