Maligalig na female celeb, nakakaawa, laging etswapwera sa family reunion
SIGURADONG hindi alam ng isang maligalig at kontrobersiyal na female personality na meron siyang mga kamag-anak na nagtatawagan ngayon sa isang taong palagi niyang pinupuntirya at pinagtitripan.
Isa lang ang ibig sabihin nu’n. Wala siyang kakamping kadugo, kalaban din niya ang mismong mga kamag-anak niya, mas masakit ‘yun.
Kuwento ng aming source, “Matagal na niyang hindi kasundo ang mga kapamilya niya, siya lang sa buong angkan nila ang wala kapag nagre-reunion ang lahi nila.
“Hindi ‘yun dahil sa ayaw niyang magpunta kundi dahil sa wala talagang nang-iimbita sa kanya. Talagang parang hindi na siya ka-join sa kahit anong activities ng family nila,” simulang chika ng aming impormante.
Hindi na raw siya kilala ng mga kasabayan niyang lumaki sa kanilang angkan. Mula raw kasi nang magbuhay-mayaman na ang female personality ay parang umiwas na siya sa kanyang mga kamag-anak.
“Alam kaya niya na maraming relatives niya ang kumokontak ngayon sa babaeng pinag-iinitan niya? Sila ang nagsasabing huwag na lang daw pansinin ng girl ang kadugo nila dahil sayang lang ang oras niya.
“Mas masakit ang ganu’n, ha? Sabi pa naman natin, e, blood is thicker than water, pero bakit ganito ang sitwasyon niya sa mismong angkan niya?
“Bakit sila nagtatawagan sa inaaway ng kamag-anak nila? Nakakaawa naman siya. Kahit pala ang mga taong dapat kumampi at magmahal sa kanya, e, matagal na niyang kaaway.
“Tantanan na niya ang mga kalokahan niya dahil baka isang araw, e, mismong mga relatives na niya ang makisali sa gulo at mag-post ng kung anu-anong masasakit na salita laban sa kanya!
“Kapag hindi pa siya tumigil, e, puwedeng mangyari ‘yun, sa totoo lang, siya ang lalabas na kahiya-hiya, dahil matagal na pala siyang hindi kinakausap ng mga relatives niya!
“Nagbuhay-mayaman lang siya, e, nagbago na siya? Kinalimutan na niya ang nakaraang buhay niya? Naku, paano na lang kapag nawala sa kanya ang lalaking ipinagmamalaki niya?
“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, gaano kalaking bareta ba ng sabon ang gusto n’yong ipangpalo sa kanya para magising siya sa katotohanan na walang forever?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.