Kris payag maging Kapuso o balik-Kapamilya ngayong 2019: Game ako!

January 24,2019
share this

Kris payag maging Kapuso o balik-Kapamilya ngayong 2019: Game ako!

January 24,2019
share this


“GAME ako!” Yan ang tugon ni Kris sa lahat ng kanyang fans at social media followers na nagtatanong kung posible pa siyang mapanood sa telebisyon.

Siguradong nami-miss na rin ng Social Media Queen ang pagho-host ng talk show or game show makalipas ang halos tatlong taong pagkawala sa TV.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng video habang nanonood ng The General’s Daughter kasama ang anak na si Bimby. Ito ang muling pagbibida ni Angel sa primetime after five years kaya talagang tinutukan ni Kris ang pilot nito.

Sa comments section ng IG video ni Kris, may nagsabing sana’y bumalik na siya sa telebisyon. Sey ni @realrhenamagbanua, “Miss @krisaquino balik kna abs po please miss kna namin.”

Sinagot naman siya agad ni Kris at nag-suggest na kulitin nila ang ABS-CBN o ang GMA upang bigyan siya ng show. Pero may ilang request lang ang award-winning TV host sakaling mabigyan nga uli siya ng programa.

Narito ang kabuuang tugon ni Kris sa kanyang IG follower, “@realrhenamagbanua your account looks real.Thank you… you & others can make @abscbn or @gmanetwork kulit.

“GAME ako. But once a week & LIVE sana (not yet healthy enough to tape long hours), 1 hour only & preferably on a weekend… or suggestion lang naman,” aniya pa.

Kung matatandaan, umalis si Kris sa ABS-CBN noong March, 2016 pagkatapos ng 20 taong pagiging Kapamilya. Huli siyang napanood sa morning show na Kris TV noon ding 2016.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending