Resbak ng mga kapatid ni Kris laban sa mag-utol na Falcis inaabangan na
UNDERSTANDABLY, there’s an (unholy) alliance among the Falcis siblings.
Bukod sa kapatid ni Nicko na isang abogado, joining the “melee” is his sister na tinawag pang “sira ulo” si Kris Aquino and from whom ay nabunyag din ang umano’y banta ng huli sa kanilang ina.
Oo nga naman, when any member of the family is enmeshed in a situation like this ay asahan na ang kampi-kampihan. Totoo ngang mas malapot ang dugo kesa tubig.
Nagtataka tuloy kami given how solid the Falcis family is amidst this controversy, where are Kris’ siblings all along? Ni isa kasi sa mga kapatid ni Kris hasn’t come forward para depensahan ang kanilang embattled youngest sibling na may sakit na nga’y sangkot pa sa ganitong isyu.
Dahil kaya ni minsan din naman ay hindi nakisali ang mga kapatid, most especially Noynoy, ni Kris involving her? Is it because they have so much faith and confidence in Kris she’ll be able to pull through?
Magkaiba lang siguro tayo ng pananaw when a family member sets out to war. Kung nangyari kasi sa amin ang parehong kaso, we’ll take the cudgels for our sibling, let him or her stay away from the war zone and us, on the line.
Ang sabi ni Kris, noong time daw na nag-umpisa ang problema nila ni Nicko, she and her Kuya Noynoy were not on good terms. Immaterial na whatever gave rise to the sibling rift.
But again, no sibling misunderstanding—sa ganang amin—is bigger than what Kris is going through, or has been going through over the past months.
Walang ibang higit na nakakakilala kay Kris—at likaw ng kanyang kabituka-bitukahan—kundi ang kanyang mga nakatatandang kapatid. Therefore, if in their heart of hearts ay nasa katwiran—or wala man—Noynoy et al should be the first to come out with their knee-jerk reactions.
But none of them has ever done it. Mabuti pa ang magkakapatid na Falcis, solid, united and yes, defiant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.