Benepisyo sa Batas Kasambahay ipatupad | Bandera

Benepisyo sa Batas Kasambahay ipatupad

Liza Soriano - January 23, 2019 - 12:10 AM

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment ang mga employers na mahigpit na ipatupad ang Batas Kasambahay upang maprotektahan ang mga household service workers.

Ang paalala ng DOLE ay kasunod ng pagdaraos ng Araw ng Kasambahay sa Quezon City ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa tulong ng Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC).

Sa nasabi ring aktibidad ay pinasinayaan ang bagong information material na lilinang sa kamalayan ng mga household service worker sa bansa hinggil sa kanilang mga karapatan at benepisyo.

Ang RA 10361 o Batas Kasambahay ay nagtatakda ng mga benepisyo para sa mga household service workers, tulad ng standard minimum wage para sa mga manggagawa na namamasukan sa National Capital Region (P2,500); sa mga lungsod at 1st class na munisipalidad (P2,000); at sa iba pang munisipalidad (P1,500).

Ang batas ay tinaguriang landmark labor at social legislation na nagbibigay sa mga household service workers na magkaroon ng mandatory social benefits, tulad ng 13th-month pay, five days annual service incentive leave, at isang buong araw na pahinga kada linggo.

Sa pahayag, sinabi ni DOLE Sec Silvestre Bello III na ilan lamang ito sa mga hakbangin ng DOLE upang mahigpit na ipatupad ang Batas Kasambahay.
“Para nang pamilya ang mga kasambahay sa atin. Tinutulungan nila tayo sa pang-araw araw na gawaing bahay at inaalayan rin nila ng pagmamahal ang ating mga anak. Dapat ay paigtingin natin ang ating trabaho upang matiyak ang kanilang proteksyon at kapakanan,” aniya.

Ang inilunsad na information material ay sa pamamagitan ng isang pamaypay na ilalabas sa bersyon ng lengguwaheng Ingles at Pilipino habang isasalin rin ito sa lengguwaheng Bisaya at Ilokano.

Ang harapang bahagi ng pamaypay ay nagpapakita ng mga nasasaklaw ng Batas Kasambahay, ang minimum wage para sa mga household service workers kada rehiyon, mga probisyon sa employment contract, at employable age.

Dagdag pa rito, maki-kita naman sa likurang bahagi ang mga mandated social benefits, tulad ng isang buong araw ng pahinga o rest day, mga benepisyo sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG, limang araw na Service Incentive Leave (SIL), at iba pang karapatan ng mga manggagawa.

Batay sa Labor Advisory No. 10, series of 2018 ang mga kasambahay ay dapat bigyan ng karagdagang leave benefit liban pa sa mga probisyong isinasaad sa Domestic Workers’ Act o Batas Kasambahay.

Ang mga household service workers ay may karapatang magkaroon ng Solo Parent Leave (RA 8972), Special Leave Benefit for Women under the Magna Carta for Women (RA 9710), at Violence against Women and their Children (VAWC) Leave (RA 9262),

Ang mga karagdagang benepisyo sa leave ay liban pa sa limang araw na service incentive leave na itinatakda sa ilalim ng Labor Code.
Paul Ang
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending