Basher hinamon ni Piolo ng suntukan matapos tawaging bakla | Bandera

Basher hinamon ni Piolo ng suntukan matapos tawaging bakla

Cristy Fermin - January 22, 2019 - 12:10 AM


GAANO  man kabait ang isang tao ay darating at darating talaga ang pagkakataong huhulagpos ang kanyang pasensiya, mapapatid ang mahabang pisi ng kanyang pang-unawa, kaya papatol-sasagot na rin siya sa mga patutsada.

Isa sa pinakamabait na artista si Piolo Pascual, ang natural niyang kabaitan ay lutang na lutang sa kahit anong sitwasyon, ‘yun ang kanyang naturalesa.

Wala rin siyang kayabangan, naturingang sikat na sikat na siya, pero kontrolado ng singer-actor ang kanyang emosyon.

Pero kapag sobra-sobra na ang pananakit sa kanya ay katangahan naman kung basta na lang niya palalampasin ‘yun. Kinakalos nga naman ang mga lumalabis at nagmamalabis na.

Isang basher ang nakasagutan ni Piolo at hinamon ng suntukan. Ang bastos na komento nito nang mag-post ang aktor ng picture nila ni Inigo Pascual, “Ang mag-amang bakla!”

Kahit naman busog si Piolo at may sapat na tulog at pahinga ay talagang maririndi siya sa ganu’ng kabastusan. Hindi dapat pinalalampas ang ganu’n kawalang respeto.

Bumigay si Piolo, sinagot ang basher, hinamon niya itong makipagkita sa kanya at daanin na lang sa suntukan ang kanilang argumento.

May mga tao talagang walang magawa sa buhay na ginagawang laro ang pananakit sa kalooban ng kanilang kapwa. Mga bastos!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending