Gretchen galit na galit kay Kris: Isinawsaw niya ang kanyang fingers sa buhay ko

By Alex Brosas January 21,2019
share this

Gretchen galit na galit kay Kris: Isinawsaw niya ang kanyang fingers sa buhay ko

By Alex Brosas January 21,2019
share this


PASABOG ang big reveal ni Gretchen Barretto sa isyung nakisawsaw siya sa Nicko Falcis versus Kris Aquino saga.

Openly, La Greta sided with Nicko on her Instagram account. Sa kanyang IG Live, walang katakut-takot na nagsalita si La Greta.

“Ladies and gentlemen, ano ba ang sinasabi ng ating pinakamamahal na Drama Queen na si Kris Aquino? Ang sinasabi niya, e, nadamay siya. Hindi po siya nadamay, idinadamay niya ang sarili niya.

“Kung sinasabi niyo na sawsawera ako, mas sawsawera siya. Hindi po ako nagsasawsaw sa suka kung hindi niya isinawsaw ang kanyang buhay sa a-king buhay. Ako po ay nananahimik, matagal na.”

That was La Greta’s initial aria. Then she revealed something that is really shocking.

“When she was in power, ladies and gentlemen, isinawsaw niya ang kanyang fingers sa a-king buhay many times over.

“Sinasabi niya, Alice Eduardo… okay, I hate to do this because Alice means a lot to me also. Si Alice Eduardo po, many years ago, a few years ago, had trouble with her tax.

“I don’t want to say it, but I will say it anyway, because that’s me—ako po ‘yan. Nagkaproblema po si Alice Eduardo sa tax niya po dito sa Pilipinas.

“She was being charged lots of millions or billions of pesos po, at tinulungan po ni Kris Aquino. If I’m not mistaken po, para mapababa ang kanyang ibabayad kay Kim Henares o sa gobyerno po natin. Yun po ang nangyari.”

That was her big reveal. Pero hindi pa rito tumigil si La Greta.

“Kris, kung talagang mahal mo ang Pilipino at ang buong Pilipinas, sana pinrotektahan mo ang mamamayang Pilipino because, at that time your brother Abnoy was in power, he was the President of the Philippines.

“E, di ba dapat kung kailangan magbayad si Alice Eduardo ng kanyang tax, na tayong mga Filipino people ang talagang—how do you say it in Tagalog?—we will reap the benefits.

“Pero alam mo, tinulungan kasi ni Kris Aquino at that time si Alice Eduardo, na bumaba ang ibinayad ni Alice Eduardo sa tax niya. Alam namin yun dahil ipinagkakalat din ni Alice Eduardo at ng kanyang mga kapatid na tinulungan ni Kris Aquino,” she said.

She even mentioned a gay friend na nagsa-shopping for Kris, “Parang, he would buy things from the States and send it to Kris Aquino.

“Of course, I felt so bad because, you know, for whatever, yung mga pinagsa-shopping lang. Yun lang? Parang, ‘Ha?!’ She’s [Alice] supposed to pay a hefty amount, dun pumupunta.

“Pero one of the many reasons lang yun, mga kaibigan.”

Hindi pa rin daw titigil si La Greta sa kanyang aria against Kris, “No, I’m not gonna stop. May mga nagsasabing stop, I’m not gonna stop. I am a Filipino. We all pay taxes, we all work very hard.”

Naku, magandang labanan ito, ha. It’s worth our while to see how these two women will fight against each other.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending