Mental health dapat pang palakasin—solon
GINULAT ang milyon-milyong netizens sa ginawa ng Razorback drummer na si Brian Velasco nang i-Facebook Live nito ang sariling pagsu-suicide noong isang linggo.
Kaya nga panawagan ni Quezon City Rep. Winston Castelo na dapat pang palakasin ang pagpapatupad ng Philippine Mental Health Law upang mapigilan ang mga taong nag-iisip na magpatiwakal.
Tumalon si Velasco sa isang condominium building sa Maynila habang naka-video ito nang live sa Facebook. Matindi ang panawagan ng Department of Health sa mga netizens na huwag nang i-share ang naturang video.
“The law, of which I am co-author, was designed to address the increasing mental health issues and concerns suffered by our people. Psychotherapeutic services as well as other related or relevant medical services will already be made available in cities, municipalities, and even barangays,” ani Castelo.
NIlagdaan ni Pangulong Duterte ang Mental Health law (RA 11036) noong nakaraang taon.
“There must be aggressive information dissemination about, and determined implementation of the law in order to prevent senseless deaths, especially those by suicide.”
Sa ilalim ng panukala ay magtatayo ang mga local government units at mga tertiary hospital ng mga pasilidad na tutulong sa mga taong depressed.
“Laws cannot just be words written on paper. They must be implemented efficiently and effectively. Government must do more not just to prevent deaths but, more importantly, to help those with mental health problems live better lives,” dagdag pa ng mambabatas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.