Horoscope, January 19, 2019 | Bandera

Horoscope, January 19, 2019

Madam Sophia |January 19,2019
facebook
share this

Horoscope, January 19, 2019

Madam Sophia - January 19, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2019 red o kaya ay pink ang dapat ipintura sa dingding ng inyong silid. Sa nasabing kulay, ibat-ibang uri ng suwerte ang darating. Sa pag-ibig, kung laging magsusuot ng red o kaya’y pink matatamis na romansa ang aanihin. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2019, sa halip na isip ang gamitin, ang iyong malakas na intuition ang dapat mong paganahin. Kumilos ka agad ng kumilos ng mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, kung ano ang gusto ng puso mo, yon ang sundi mo upang habang buhay ka ng lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Alisin ang takot at pagdadalawang isip. Lakas ng loob ang dapat mong paganahin sa taong ito ng 2019. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at magkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pag-ibig. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Magpapatuloy ang kaligayahan at tagumpay na naranasan mo nitong nakaraang taong 2018. Ang kaibihan lamang, higit na mas marami ang tagumpay at higit na mas masarap ang kaligayahang madarama mo ngayong 2019. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Pink at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi mo dapat balikan ang mga nakaraang kabiguan, dahil nakahahadlang lang ito sa kasalukuyan upang ikaw ay magtagumpay. Maaari mong balikan ang nakaraan, pero ang dapat mong pagtuuna ng pansin ay ang tagumpay at ligaya. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ka ng susuwertehin at magtatamo ng mas marami pang magagadang kapalaran. Mapalad ang 3, 18, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Pink at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa panahon ngayon uso na naman ang sakit at sipon. Para maiwasan ang karamdaman, kumain ng maraming prutas at sariwang gulay at dagdagan pa ang regular na page-ehersisyo araw-araw. Sa ganyang paraan, muling lalakas ang iyong immune system. Mapalad ang 6, 18, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” Red at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito laging magbasa ng mga libro at iba pang babasahin, sapagkat isang araw sa pagbabasa, makatutuklas ka ng pormula na pagyaman! Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng librong may temang love story – matutuwa siya sa iyo! Mapalad ang 6, 9, 15, 27, 33, at 40. Mahiwga mong mantra: “Aum-Ketu-Rahuya-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito babalik na ang mga suwerteng nakahulagpos sa iyong mga kamay nitong nagdaang taong 2018. Subalit ang kakaiba, mas marami at mas malalaking suwerte ang matatanggap mo ngayong 2019. Mapalad ang 7, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Green at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, habang nagpapakabuti, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Cancer may magandang kapalarang kang makukuha mula sa kanya. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ituloy ang mga dati ng nasimulan. Sa pag-ibig tuloy ang maligayang pakikipag-relasyon sa isang Leo. Sa pinansyal Oo isang Aries ang makatutulong sa iyo upang umunlad ang iyong kabuhayan. Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at red at buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito wag ng intidihin ang mga taong hindi naman mahalaga. Mag-concentrate na lang sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, may magic na mangyayari, habang ikaw ay umiiwas, saka naman siya maghahabol at lalapit. Mapalad ang 3, 16, 23, 27, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Chaintaya-Yama-Om.” Red at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito ng 2019 hindi dapat balikan ang nakaraan. Higit na mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating hatid ng isang Gemini. Sa pinansyal, isang Libra ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Agne-Om.” Old rose at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung ang iba ay kumikilos pa para magtagumpay at suwertehin sa buhay ang saiyo ay kakaiba. Sa taong ito ng 2019, kahit hindi ka kumilos, ang suwerte at magagandang kapalaran ang kusang lalapit sa iyo. At kapag nadikit sa iyong katawan ang suwerte at buenas kahit pagpagin mo pa ito at itaboy, ito ay mananatili pa rin sa iyo sa buong taong ito ng 2019. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 43 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Buddha-Bhagata-Govinda.” Green at violet ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending