Kontrobersyal na aktres astang sosyal at mayaman bokya naman | Bandera

Kontrobersyal na aktres astang sosyal at mayaman bokya naman

Cristy Fermin |January 19,2019
facebook
share this

Kontrobersyal na aktres astang sosyal at mayaman bokya naman

Cristy Fermin - January 19, 2019 - 12:30 AM

SA isang malaking umpukan ng mga dati nang nakakatrabaho ng isang pamosong female personality nu’ng aktibo pa siya sa paggawa ng pelikula ay maraming kuwentong lumutang.

Napakalaki nga naman ng naging pagbabago ng kanyang buhay mula nang maging karelasyon niya ang isang negosyanteng umaapaw ang salapi.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Dati, lumang-lumang kotseng kakarag-karag lang ang ginagamit niya sa shooting at taping. Wala pa yatang aircon, kaya kapag bumababa siya sa kotse, e, basang-basa ang katawan niya.

“Hindi naman kasi sila mayaman, mukhang mayaman lang siya, English nang English, kaya para siyang sosyal na sosyal. Iginapang lang ng parents niya ang pag-aaral nilang magkakapatid.

“Hindi pa siya esekolang pumorma nu’n, simple pa lang siya. Pagkain sa location ang kinakain niya, ganu’n lang, dahil wala pa naman siyang panggastos talaga sa mga bonggang food,” pag-alala ng aming source.

Inilunsad siyang teenager, pero nagpakita na rin siya ng katawan nang magtagal, may ibinigay na titulo sa kanya nu’n na kahit anong pagdedenay pa ang kanyang gawin ngayon ay tandang-tanda pa rin ng buong bayan.

“Ayaw na ayaw niyang naaalala ‘yun, may pa-yuck-yuck pa siya kapag naipapaalala sa kanya ang mga pinaggagawa niyang pagpapa-sexy nu’n!

“Ayaw niyang maalala ‘yun, e, du’n nga siya nakilala! Dahil nga du’n kaya siya pinagkainteresan ng mga kalalakihan! Magtigil siya!” sabi uli ng aming impormante.

Hanggang sa makilala na nga niya ang isang businessman na pamilyado na pero umaapaw ang salapi.

Natural, mapangarap ang female personality, kaya walang patumpik-tumpik na siyang nakisama sa negosyante.

“Nu’n na nagsimula ang pagiging esekola niya, nagniningning na ang buong katawan niya sa mga diamonds, talagang ipinakikita niya sa lahat na ibang-iba na siya, na reyna na siya!

“Mula sa karag-karag na sasakyan, e, mga imported nang kotse ang ginagamit niya, nangangatog na siya sa sobrang lamig ng aircon, kaya hindi na pinagpapawisan ang buong katawan niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, huwag siyang nagmamaldita ngayon, alam na alam ng mga taga-showbiz ang pagsisimula niya, ‘no! Astang mayaman, pero bokya naman ang ugali niya, kaya pati ang mga magulang at kapatid niya, e, matinding kaaway niya!

“Masarap siyang paluin ng bareta ng sabon, di ba naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending