Hugot ni Angelica: Nasasaktan na ako uli! Totoo na akong nagmamahal...magdiwang! | Bandera

Hugot ni Angelica: Nasasaktan na ako uli! Totoo na akong nagmamahal…magdiwang!

Ervin Santiago |January 17,2019
facebook
share this

Hugot ni Angelica: Nasasaktan na ako uli! Totoo na akong nagmamahal…magdiwang!

Ervin Santiago - January 17, 2019 - 12:01 AM

ANGELICA PANGANIBAN

IBINANDERA ng Hugot Queen na si Angelica Panganiban ang kanyang sakit na nararamdaman ngayon dahil sa pagmamahal.

Usap-usapan na naman ngayon sa social media ang Kapamilya actress dahil sa panibagong hugot niya sa larangan ng pag-ibig. Nag-tweet ang dalaga at inaming meron nga siyang pinagdaraanan.

“Ngayon lang ako nasaktan. Tapos, na-appreciate ko. Kasi, nasasaktan na ‘ko ulit. Totoong nagmamahal na ‘ko. ULIT! MAGDIWANG!” mensahe ni Angelica.

Dugtong pa niya, “Iiyak na sana ko. Kaso, naisip ko … Angge? Naiiyak ka on your own? WhathaOMGFAAAK?!”

Hindi sinabi ng Kapamilya actress kung ano ang problema niya at kung sino ang nanakit sa kanya.

Marami naman ang nakisimpatya sa kanya at nagsabing ipagdarasal nila na sana’y maging maayos na ang lahat at mawala na ang pain na napi-feel niya.

“Totoo kasi yung nararamdaman mo ate. Kaya andaming nagmamahal sayo, totoo ka kasi magmahal. Proud kami sayo!” ang comment ng isang fan ni Angelica.

“Wala ka talagang swerte sa lalaki. Hayaan mo na lang sila. I believe magiging happy ka rin kahit walang lovelife. Magpakayaman ka na lang at i-enjoy ang single life. Life is short!” sey naman ng isa pang netizen.

Kamakailan, naglitanya ang dalaga tungkol sa mga taong nakikialam at nangnenega sa special friendship nila ng ex-boyfriend na si Carlo Aquino. Kaya ang sey ng aktres, siya na ang lalayo sa binata para matahimik na ang bashers at haters niya.

“Sorry po. Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sa ‘kin regarding Carlo. Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi niyong ‘impact’ na ginagawa ko para madehado po siya,” ang sabi pa ni Angel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending