Sey mo Rayver, Janine pumayag makipaghalikan kay Enchong | Bandera

Sey mo Rayver, Janine pumayag makipaghalikan kay Enchong

Reggee Bonoan |January 17,2019
facebook
share this

Sey mo Rayver, Janine pumayag makipaghalikan kay Enchong

Reggee Bonoan - January 17, 2019 - 12:20 AM


TAWA nang tawa si Enchong Dee nang biruin siyang “naunahan” pa niyang halikan at masolo sa kuwarto si Janine Gutierrez kaysa sa rumored boyfriend nitong si Rayver Cruz.

Sa pelikulang “Elise” ay magkarelasyon sina Enchong at Janine at siyempre may halikan at love scenes sila rito na pinag-usapan naman daw nila kung paano gagawin.

Super bestfriend for life sina Enchong at Rayver kaya tinanong ang aktor kung nagpaalam o nagpasintabi siya sa kaibigan bago gawin ang intimate scenes nila ni Janine.

“Hindi na, siya (Janine) na lang magsabi na naunahan ko na,” tumawang sagot ng aktor.

Dagdag pa nito, “Siguro pareho rin kami ng sentimyento ni Rayver na alam namin kapag trabaho ang ginagawa namin at pakiramdam katulad ng sinabi ni Janine kanina na mas malaki ang tiwala niya sa akin kasi kaibigan niya rin ako at ganu’n din kay Rayver.

“Pakiramdam ko bilang boyfriend, mas kakabahan ako kung hindi ko kilala ang hinahalikan ng girlfriend ko.

“Kumbaga nakakatuwa kasi call ni Janine ‘yun, pero binigyan niya ako ng pagkakataon na gawin namin ‘yung eksena nang matino kasi una nagse-celebrate ka tapos biglang kissing scene tapos paakyat sa kuwarto, ganu’n ang nangyari. Kaya tiwala talaga ‘yung pinakaimportante,” pahayag ng aktor.

Aliw si Enchong dahil hindi pa naman talaga umaamin sina Rayver at Janine sa relasyon nila.

Samantala, natanong si Enchong tungkol sa pag-like niya sa post ni Gretchen Barretto tungkol sa pagkampi nito kay Nicko Falcis na idinemanda ni Kris Aquino.

“Mahilig ako mag-like, nagkataon lang, sabi ko tuloy, ‘ay ganu’n pala ako kaimportante, napapansin pa ng tao.’ Pero ‘yun na ‘yun. I would speak out of nowhere if it’s political, environmental, you know me,” katwiran ng binata.

Kahit na patungkol ito kay Kris na kasamahan niya dati sa ABS-CBN, “Yeah I know what I like and I know naman kung ano ang mga kino-comment ko.”

May personal ba siyang issue kay Kris? “I don’t want it na lumaki as much as possible, I’m not in the position to be part of it. But at the same time, ang iiwan ko lang siguro, I know what I like. Kaya kong panindigan, and I’m very sure of what I like. That’s it!” diin ng leading man ni Elise.

Nabanggit din ni Enchong na karapatan niya kung ano at sino ang gusto niyang i-like, “It’s my freedom, it’s their freedom, why would anyone ask me about it?”

Tinanong namin kung kilala niya si Nicko Falcis, “Yes, he’s been my friend matagal na and I knew him because he’s a friend of Dom (Hernandez), my business partner.”

Kung matatandaan, parte rin si Dom Hernandez ng Potato Corner at nakasama rin sa meeting nina Kris at Nicko para sa nasabing negosyo.

Anyway, excited na si Enchong na mapanood ng mga tao ang “Elise”. Showing na ito sa Peb. 6, isang araw pagkatapos ng Chinese New Year at naniniwala siya na suwerteng petsa ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa pelikula ang beauty queen na si Laura Lehmann at si Miko Raval mula sa direksyon ni Joel Ferrer under Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending