Former actor ‘hawi-boy’ ni senatorial bet | Bandera

Former actor ‘hawi-boy’ ni senatorial bet

Den Macaranas |January 16,2019
facebook
share this

Former actor ‘hawi-boy’ ni senatorial bet

Den Macaranas - January 16, 2019 - 12:10 AM

HINDI halata pero hanggang ngayon pala ay umaasa pa rin na mabibigyan ng pwesto sa pamahalaan ang isang aktor.

Sinabi ng ating Cricket na nagbabaka-sakali pa rin si Mr. S na isang araw ay tatawag sa kanya ang Malacañang at sasabihing itinalaga siya ng pangulo sa isang magandang posisyon.

Pero habang wala ay nasa waiting mood lang si Sir.

Lately ay madalang rin ang kanyang appearance pati na sa TV kaya sa mga panahong nakatunganga siya ay sumasama na lang muna si Mr. S sa sorties ng isang kandidato sa pagka-senador.

Kahit magmistula na siyang anino ng nasabing kandidato ay okay lang basta’t ang importante ay hindi siya nawawala sa radar ng pangulo ayon pa sa ating Cricket.

Sa halos lahat ng lakad ng nasabing kandidato ay kasama si Mr. S na minsan pa nga ay napapakagkamalang “hawi-boy”.

Kahit sa mga malalayong lalawigan ay go lang si Mr.S

dahil kahit paano ay nabibigyan rin naman pala ito ng allowance sa bawat sortie.

May mga pagkakataon rin na mistulang power broker ang papel ni aktor dahil sa dami ng mga
gustong makalapit sa kaibigan niyang kandidato.

Kamakailan ay isang boodle-fight kasama ang ilang Toda-member ang isinagawa sa isang lunsod dito sa Metro Manila.

Ang akala ni aktor ay kasali siya sa nasabing event at pumuwesto na siya katabi ng bigating kandidato.

Pero kaagad siyang pinaalis sa eksena dahil hindi naman pala siya kasali sa mga kukunan ng larawan at video sa naturang boodle fight lalo’t dumating rin sa event ang mayor at congressman sa nasabing lungsod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang aktor na suma-sideline munang alalay ng isang kandidato habang naghihintay ng pwesto sa gobyerno ay si Mr. S…as in Salbahe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending