Last salary di pa nakukuha | Bandera

Last salary di pa nakukuha

Liza Soriano |January 16,2019
facebook
share this

Last salary di pa nakukuha

Liza Soriano - January 16, 2019 - 12:10 AM

GOOD day,

Hi Sir/Ma’am ako po si Joenard Dizon. Former employee ng New RBW Marketing Inc. Located sa Marikina Heights pero ang main office po nila ay sa Brgy. Del Rosario, San Fernando, Pampanga. From May 24, 2018 to August 9, 2018 ahente po ako ng mga condiments. Until now po hindi ko pa po nakukuha yung last salary ko na nasa 6k at pati po ang bond na nasa 2.5K.

Inabot na po ng 2019 mag-five months na po. Puro deduction po ang ginagawa nila.

Pikit-mata ko na nga lang po na in-acknowldge yung sinasabi nila na charges na P900 para raw ma-release na ang cheke.

Pero nitong December 2018 naalala ko ang 13th month pay na baka kahit papaano e meron ako bigla na namang may charges daw po na nasa P1.3K worth ng mga b.o. (bad order) sa time ko pa daw iyon.

Tinatanong ko po sa kanila kung expired yun nung time ko or time na na b.o ko na ako ang gumawa pero hindi po masagot ng kausap ko.

Pero sa proseso bago ako umalis may naka-buddy sa akin for 2 weeks para linisin ang mga b.o. para ng sa ganun sakin ma-charge kung meron man.

Pero wala namang nakuha sa area na hinahawakan ko kaya kampante ako na wala dapat ma-charge.

Alam ko pong hindi naman kalakihan yung sa aking kaso pero sabi ko sa kanila kahit pa P300 ang charge ang hirap tanggapin kung talagang hindi naman talaga sa iyo. Sana po matulungan po ninyo ako.

Joenard Dizon

REPLY: The regional office will summon both Joennard Dizon and his former employer to a conciliation conference

For immediate response, please call DOLE Hotline 1349.

Mayroon po kaming mga Hotline Service Action Officers na handang tumulong sa inyo, Monday to Sunday, bawat oras, bawat araw.

Tawag na po.
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending