Anak ni Jolo binatilyo na, malaki ang naitulong kay Bong | Bandera

Anak ni Jolo binatilyo na, malaki ang naitulong kay Bong

Cristy Fermin |January 15,2019
facebook
share this

Anak ni Jolo binatilyo na, malaki ang naitulong kay Bong

Cristy Fermin - January 15, 2019 - 12:30 AM


NAPAKALIIT pa nu’n ni Gab, ang anak nina Vice-Governor Jolo Revilla at Grace Adriano, pero ikinakampanya na niya si Bong Revilla sa unang pagtakbo ng kanyang lolo bilang senador.

Tandang-tanda pa namin, kasama namin si Gab habang bumibili ng gamot ang kanyang Lola Osang sa isang malaking drugstore, kinalabit niya ang lalaking nakatayo at saka niya kinausap.

Sabi ni Gab, “Iboto n’yo po ang lolo ko, ha? Number 8 po siya sa listahan, si Bong Revilla!” Tuwang-tuwa kay Gab ang mga nilalapitan niya para hingan ng boto.

Nag-number one si Senador Bong Revilla, nakatulong sa milyun-milyon nitong boto ang pangangampanya ni Gab, na nu’ng makita namin uli pagkatapos nang ilang taon ay binatilyo na.

Sa PNP Custodial Center namin siya nakikita, sumasama siya sa kanyang ama sa pagdalaw sa kanyang lolo, napakasipag na bata ni Gab at plakado ang kanyang itsura sa mga Revilla.

Nagwawalis siya sa paligid, nagtatapon ng mga basura, tumutulong din siya kay Vice-Governor Jolo sa paglilinis ng kuwarto ni Senador Bong.

Ngayon ay sumasama na si Gab sa caravan ni Senador Bong sa iba-ibang malalayong probinsiya para magpasalamat sa mga kababayan nating buung-buo pa rin ang tiwala at suporta sa kanya.

Tuwang-tuwa si Gab Revilla sa kanilang mga biyahe, todo pa rin ang pagkampanya niya sa kanyang lolo, hindi na ‘yun bago sa guwapong bagets dahil maliit pa lang siya ay talagang isinusulong na niya ang kandidatura ni Senador Bong Revilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending