Dating manager ni Kris umalma matapos madamay sa kaso ni Nicko Falcis | Bandera

Dating manager ni Kris umalma matapos madamay sa kaso ni Nicko Falcis

Reggee Bonoan - January 14, 2019 - 12:30 AM

NAKAUSAP namin ang dating manager ni Kris Aquino sa ABS-CBN na si Deo Endrinal kung may isyu sila ng Queen of Social Media dahil nga hindi siya nakita noong kasagsagan ng promo ng “I Love You, Hater.”

Nabanggit kasi ng dating business associate ni Kris na si Nicko Falcis ang pangalan ng TV executive sa huling panayam nito kaugnay ng mga kasong isinampa sa kanya.

Napapailing na pahayag ni Deo, “Itong si Nicko idinamay pa ako, okay kami ni Kris.” Ayon kay DTE (tawag kay Deo), hindi naman binanggit ni Nicko ang pa-ngalan nila ni Boy Abunda (dating manager ni Kris sa pelikula at commercials) pero sila lang naman ang naging manager ni Kris sa network.

Ang sabi ni Nicko, “Star Cinema did really welcome her. But there was just some missing individuals. Yes, all her previous managers, I think. I guess all the old people that she is used to seeing. Nobody’s there.”

Sabi ni DTE, “Kung nandito ako noon, bakit hindi ko siya babain? Wala ka-ming problema ni Kris. Okay kami. Pumunta siya sa wake ng mommy ko. Nagkukumustahan kami, hindi ko lang siya nakausap ngayong may sakit siya kasi naging busy din ako sa mga ilo-launch kong programs sa IWant.”

Diretsong tanong namin kung kilala niya si Nicko Falcis, “Hindi! Hindi ko siya kilala at hindi ko pa siya nakikita’t nakakausap.”

Aware si Deo sa mga sakit ni Kris at siya pa ang nagpaliwanag kay Manay Ethel Ramos kung ano ang lupus. Mahigit 18 years nagkatrabaho sina Deo at Kris at may mga balitang minsang nagkatampuhan sila pero lahat ay naayos at ni minsan ay hindi sila nagkaroon ng isyu sa pera.

Nabanggit ding mas naunang dumating si Kris sa Kapamilya network kaysa kay Deo.

Tinanong si Deo kung puwede pa silang magkatrabaho ni Kris, “Hindi na, kayang-kaya na nila ‘yun kasi nakapag-build na nga siya ng digital company niya, nakapagpatayo na nga siya ng empire sa online.

“Ako nga nagsisimula pa lang, inaaral ko pa ang digital dahil sa Iwant. I have 12 shows to be launched kaya talagang pinag-aaralan ko,” sabi pa sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending