CHARICE nagwaging ‘HOTTEST LESBIAN IN THE WORLD’
NA-SHOCK si Charice nang malamang siya ang tinanghal na “Hottest Lesbian in the World”. Ito’y mula sa isinagawang survey ng US LGBT website na autostraddle.com.
Ayon sa nasabing website, karapat-dapat lang si Charice sa nasabing parangal, “Intelligent, hilarious & provocative voice and a progressively feminist online community for a new generation of kickass lesbian, bisexual & otherwise inclined ladies (and their friends).”
In fairness, sa 105 tibo na pinagpilian, si Charice ang nag-number one sa listahan worldwide yan, ha! Ang naging reaksiyon naman ni Charice hinggil dito, “Ibig sabihin, paano nangyari ‘to out of 105, di ba?
Actually iniisa-isa ko pa, e, akala ko medyo nasa dulo ako, ganyan. Ang lupet nu’n and ano, sige, mabuhay ang mga shiboli!”
Kasabay nito, ipinaliwanag ni Charice kung bakit siya nagpabago ng hairstyle, hindi naman daw totoo na napipikon na siya sa pagkukumpara sa kanila ni Daniel Padilla.
“Para sa album ko po na lalabas very, very soon, and a change is good. Wala kaming pinagkokopyahan na any artist or ano…well, nakita lang namin just random pictures online and then sabi ko, ‘Ito gusto ko.’” sey pa ng singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.