Christian Bautista inireklamo ng fans: Nakaka-turn off siya!

By Alex Brosas January 13,2019
share this

Christian Bautista inireklamo ng fans: Nakaka-turn off siya!

By Alex Brosas January 13,2019
share this


LOLIT Solis was promoting the show of Christian Bautista with Julie Anne San Jose sa kanyang Instagram account.

She posted a photo of Christian kasama ang mga ka-join niya sa concert with this caption: “Ngayon ko lang narinig ng malapitan sumagot si Christian Bautista. In fairness ha, impressed ako nang sumagot siya sa question about sacrifice na ginagawa ng married couple.

“Kasi nga daw when you get married you don’t think as one, kasama na sa lahat ng desisyon mo ang partner mo so may change na sa sked mo, sa ginagawa mo. Dapat kahit ano pa ang desisyon, kasama na ang partner mo dahil unfair naman na sarili mo lang iniisip mo. Di ba napaka-considerate niya, napakalawak ng utak niya as partner.

“Nakita mo ang level ng EQ niya sa sagot niya. Magkasama sila ni Julie Anne San Jose sa isang concert ang Fun Night Only kasama sina Tekla, Donita Nose at Clashers. Umpisa ito sa Iloilo, then sa Catbalogan at sure na gagawin din ito sa Pinoy TV sa abroad. Ang team na ito ay kilala at alam na ang mga dapat gawin para lalo lumigaya ang fans nila na manunood ng concert.

“Lahat ng elements that will make a perfect concert that makes everyone happy, nilagay na dito so I know, marami pang cities ang kukuha para magtanghal ang Fun Night Only. Hurray, watch n’yo, Iloilo and Cagayan de Oro, then the US and Europe. Enjoy n’yo concert na ito.”

May isang follower ni Lolit ang nagmaganda and took a jab kay Christian.

“Nag lunch kami ng team ko sa Cafe Ilang Ilang sa Manila Hotel nung Dec. 2017. Nag request magpa picture yung staff ko, kasi nga Christian Baustista sya. Halatang napilitan at nakasimangot nung nagpa picture. Ending, imbes na magpa picture yung ibang staff ko na excited syang makita, na turn off na lang.

“Pwede naman nyang sabihin na, ‘No, Im having a bad day.’ Kesa nagpa picture ng nakasimangot. Sabi nga, first impression lasts.”

‘Yan ang say ni @iamcharlie72. Any comment, Christian?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending