Female star kay Gretchen: Tapang-tapangan lang ang sawsawerang hitad na yan! | Bandera

Female star kay Gretchen: Tapang-tapangan lang ang sawsawerang hitad na yan!

Cristy Fermin - January 13, 2019 - 12:20 AM


SIGURADONG  may bumawal kay Gretchen Barretto sa kanyang kalokahang pakikisawsaw sa isyung kinapapalooban ni Kris Aquino, may nagmando siguro sa aktres na magtigil na, bago pa makalkal ang mga sarili niyang kalabisan at kakapusan.

Isang tunay at berdaderong Cojuangco ang kanyang pinasasaringan na bully at mahilig gumamit ng kapangyarihan, hindi niya ‘yun maikakaila, maselan ang sinaling niyang paksa.

Hindi nga ba’t sa unang araw pa lang ng pakikisawsaw ni Gretchen ay nakatikim na siya agad ng masasakit na pasaring? Naungkat tuloy pati ang pagpapalabas sa kanya sa elevator ng ina ng kanyang ka-live-in.

Totoo man o kuwentong-kutsero lang ang tungkol du’n ay napahiya pa rin ang aktres, lalo na’t tinawag pa siyang nagpapanggap na miyembro ng pamilya Cojuangco, kung saan lehitimong kabilang ang aktres-TV host.

Sabi nga ng isang nakausap namin, “Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang laos, pero ano ba itong mga pinaggagagawa niya? Trabaho ‘yan ng laos!

“Nagpapansin, nangbu-bully, sino ba ang tunay na bully at gumagamit ng huwad na kapangyarihan? Magsalita nga siya! Bakit hindi niya harapin ang mga pang-uupak sa kanya sa social media?

“Nagtatapang-tapangan ang sawsawerang hitad na ‘yan, pero isinarado niya naman ang comment section ng account niya!” inis pang sabi ng isang nagkakaedad nang female personality laban kay Gretchen Barretto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending