Kris: Wag ilihis ang tunay na isyu sa kaso

By Reggee Bonoan January 13,2019
share this

Kris: Wag ilihis ang tunay na isyu sa kaso

By Reggee Bonoan January 13,2019
share this

KRIS AQUINO

SA panayam ng isang entertainment website kay Nicko Falcis, dating managing director ng KCA Productions ay nabanggit nito na may problema si Kris Aquino sa ABS-CBN kaya “half-baked” ang pagbabalik nito sa Kapamilya network.

Aniya, “I do not know her life during ABS-CBN—but, those were her rants to me.”

Sa pagkakaalam din namin ay okay na si Kris sa ABS-CBN lalo na sa big bosses ng network. At sa katunayan ay may mga kababayan tayong Pinoy sa Tokyo, Japan na nakitang nag-dinner siya kasama ang CEO at Presidente ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak kasama ang wife nito.

Si Sir Carlo pala ang nakita ni Kris sa Japan na hindi niya binanggit ang pangalan nu’ng nakatsika namin siya last week, sabi lang niya, “I won’t mention na lang the name kasi baka gawing isyu pa.”

Niyaya nga raw siyang mag-coffee ng mga ito bagay na ikinabahala ng KCA staff dahil umalis si Kris nang hindi nagpaalam sa kanila, “E, nandoon lang naman ako sa lobby ng hotel at nagtsatsaa,” sabi ni Kris.

Anyway, kaya namin ito naikuwento ngayon ay para malaman ng lahat na maayos na ang relasyon ni Kris sa mga Lopezes. Sa katunayan noong ginagawa pa ang bahay nina Kris sa eksklusibong subdivision sa Quezon City ay inalok siyang tumira muna sa Rockwell na pag-aari ng mga Lopez.

Kaya nang mabasa ni Kris ang panayam kay Nicko ay agad siyang nag-react at sinabing huwag nang idamay ang ABS-CBN sa kaso nila at huwag ilihis ang isyu tungkol sa nawawalang milyones sa kaban ng KCAP.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending