Miss PH Karen Gallman malakas ang laban sa 47th Miss Intercontinental; nakakuha 2 special awards

January 12,2019
share this

Miss PH Karen Gallman malakas ang laban sa 47th Miss Intercontinental; nakakuha 2 special awards

January 12,2019
share this


MALAKAS ang laban ng kandidata ng Pilipinas na si Karen Gallman sa gaganaping 47th Miss Intercontinental beauty pageant sa Pilipinas.

Nasaksihan namin ang pagrampa ng mga kandidata sa nasabing international pageant sa press presentation na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Manila kamakalawa. In fairness, nagmarka si Karen sa suot niyang white Filipiniana terno na may mababang neckline kaya medyo sumilip ang kanyang dibdib.

At dahil nga sa kanyang agaw-eksenang pagrampa at classic-revealing outfit, dalawang special awards agad ang natanggap niya pagkatapos ng media presentation – ang Standout Beauty award (from H&H) at Media Favorite award mula naman sa mga members ng media na bumoto sa kanilang favorite candidate.

Marami ang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig ni Karen sa sikat na American model na si Kendall Jenner, pero may nagsasabi naman na mas maganda at mas malakas ang appeal ng Pinay beauty queen kaya hindi imposible na masungkit din niya ang kauna-unahang Miss Intercontinental crown.

Inamin naman ni Karen na na mas ramdam na niya ngayon ang pressure sa competition dahil bukod sa napakaraming magaganda at matalinong kandidata this year ay dito pa sa Pilipinas gaganapin ang grand coronation.

Hanggang ngayon ay todo pa rin ang kanyang training bilang paghahanda sa finals night na gaganapin sa MOA Arena on Jan. 26. Ayon pa sa dalaga, kung minsan daw ay talagang naiiyak na siya sa sobrang hirap ng mga ginagawa niyang preparasyon.

“But I just want to enjoy it, every moment of it. And try my best as well to win the crown. With Miss Intercontinental 2018 being held in my nation, it makes me very proud because not only I will have my country supporting me there on stage every minute, but because it gives everyone on the outside the chance to see our amazing country,” aniya pa sa isang panayam.

At alam n’yo ba na tulad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, Fil-Australian din si Karen na sumali na rin noon sa 2012 Bb. Pilipinas 2012 ngunit hindi siya pinalad. Nag-join uli siya after six years at ngayon nga’y proud representative na ng bansa sa isang international beauty pageant.

Dalawang Pinay na ang muntik nang makoronahang Miss Intercontinental, sina Christi McGarry at Katarina Rodriguez na parehong first runner-up noong 2015 at 2017, respectively.

Samantala, ang Swimsuit at Philippine Designer’s Evening Gown Fashion Show ng 47th Miss Intercontinental ay magaganap sa Jan. 16 sa Grand Ballroom ng Okada Manila; Evening Gown Competition at Philippine Designer’s Filipiniana Fashion Show sa Jan. 17 sa Okada Manila; at sa Jan. 19 naman ang Nationl Costume Competition sa The Garden, Okada Manila.

Sa mga interesadong manood ng grand coronation night, pwede kayong mag-inquire sa missintercontinentalareserve@gmail.com o tumawag sa 0939-8113096, 0918-2863432 at 0966-8127487.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending