Karen Gallman, first Pinay na nagwaging Miss Intercontinental
SA kauna-unahang pagkakataon, nasungkit ng Pilipinas ang titulo at korona ng mailap na Miss Intercontinental simula nang itatag ito noong 1971.
Wagi ang Pinay beauty queen na si Karen Gallman sa ginanap na grand coronation night Sabado ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.
Si Miss Costa Rica Adriana Alvarado at Miss Slovak Republic Laura Longauerova ang itinanghal na Miss Intercontinental 2018 first and second runner-up, respectively.
Naiuwi ni Miss Colombia Hillary Hollmann Del Prado ang 3rd runner-up title habang si Miss Vietnam Ngân Anh Lê Âu ang 4th runner-up at fifth runner-up si Miss Ethiopia Bella Lire Lapso.
Gumawa nga ng history si Karen Gallman sa nasabing pageant bilang unang Filipina na nanalo sa Miss Intercontinental. Tinalo niya kagabi ang 84 pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Bukod sa kanyang ganda at kaseksihan at sa galing niyang rumampa, bumilib din ng mga hurado sa naging sagot niya sa question and answer round.
Ang tanong sa kanya sa final Q&A ay, “How do you define success?” Na sinagot ni Karen ng, “Good evening, Philippines. For me, success is not just about winning in life but setting goals, smaller goals, and achieving your dreams and working hard for everything you want, and always looking up to God and being thankful for everything. For me, that is success.”
Kung matatandaan, ilang Pinay beauty queen na rin ang nakapasok sa Top 6 sa mga nakaraang Miss Intercontinental kabilang na sina Katarina Rodriguez (2017), Christi Lynn McGarry (2015), Kris Tiffany Janson (2014), at Andrea Koreen Medina (2013).
Nagsilbing judges sa Miss Intercontinental 2018 sina American actor Lorenzo Lamas, two-time Emmy winner Vincent de Paul, Korea’s Stem Cell Treatment Association Vice President at Dermaster Clinic Worldwide Network CEO Dr. Han Jin Kwon, Miss Intercontinental 2010 (Mexico) Maydelise Columna at former PNP chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa.
Sina Billy Crawford at Miss Intercontinental Japan 2017 Kumi Miyamae at Kenyan TV host Serah Ndanu ang naging host ng pageant.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.