Julie Anne kinawawa ng bastos na fans ni Alden: ‘Wag ka nang umeksena at umepal!

By Alex Brosas January 12,2019
share this

Julie Anne kinawawa ng bastos na fans ni Alden: ‘Wag ka nang umeksena at umepal!

By Alex Brosas January 12,2019
share this


BASTOS at walang modo ang fans ni Alden Something na nam-bash kay Julie Anne San Jose.

Nasulat kasi sa isang online portal ang wish ng isang writer na magtambal sina Julie Anne at Alden sa isang project. Grabe ang reaction ng fans ni Alden, parang wala nang bukas kung laitin nila si Julie.

“Puwede na sila magtambal ni Alden kaso lalangawin lang gagawin ilang project.”

“Nope kc mas muka pa syang lalaki kay Alden. Sorry not sorry pero di tlaga pang leading lady yung muka ni Julie.”

“Wag nang pag usapan ang PAST dahil nasaktan na rin ang isat isa cguro naman may delikadesa c Alden.”

“Ayan na naman cla intriga again magbago na kau. alam na ni Alden kung cno ang karapat dapat sa kanya kya wag nang ipilit ang hilaw na mangga dahil tiyak maasim yaan.”

“Kaya nga nakipag break kay Benjamin Alves kasi gusto niya bumalik kay Alden. Noon kasi hindi pa mayaman si Alden ayaw ng mother niya, ngayon ok na si mother ayaw naman ni Alden kasi may Meng (Maine Mendoza) na siya ang love forever niya.”

“Hoy! Mangga talagang hindi mo tinitigilan si Alden no habol ka ng habol. Paepal ka talaga.”

Mabuti na lang at may matitinong tao na nagtanggol kay Julie Anne, “Makapanglait naman yung iba kay Julie. Nakita ko na sya in person. Maganda sya. D nya ako fan pero di ko naman sya lalaitin gaya ng ginagawa ng iba.”

“Si Julie ang pinaka tahimik na artista never kang makakarinig ng pangit na issue sa kanya. Hindi sya masyadong pinag uusapan pero ang layo na ng narating nya lalo na sa pagkanta, tahimik pero may ipagmamalaki!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending