Angel hindi kayang tumalon sa Manila Bay: Nakita ko kasi, patay 'yung mga isda sa dagat | Bandera

Angel hindi kayang tumalon sa Manila Bay: Nakita ko kasi, patay ‘yung mga isda sa dagat

Reggee Bonoan - January 12, 2019 - 12:01 AM


MARAMI nang fight scenes na ginawa si Angel Locsin sa bago niyang seryeng The General’s Daughter na iki-nabahala ng production lalo na ni Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal dahil nga sa problema ng aktres sa kanyang spine.

Ang nasabing sakit ng aktres ang dahilan kung bakit hindi na rin niya nagawa ang “Darna” movie dahil baka nga lumala o mabaldado siya sa rami ng mga delikadong eksena.

Sa pag-aakalang papayag si Angel na magpa-double sa maaaksyong eksena kaya ipinitch ni Deo at ng Creative head ng Dreamscape na si Rondel Lindayag ang General’s Daughter na kaagad namang nagustuhan ng aktres.

“Ayaw niyang magpa-double! Sobrang nag-aalala kami, lalo na si sir Deo, siyempre, di ba?” ang bungad sa amin ni Rondel nang makausap namin sa solo presscon ni Angel para sa TGD.

Dagdag pa niya, “Sobrang professional ni Gel, ang galing niya, bilib na bilib kami. Sabi nga namin parang iilan lang ang artistang tulad niya na puwede sa action, mala-Angelina Jolie.

“Saka siya na ang nagdidirek ng sarili niyang fight scenes depende kung saan siya magiging kumportable. Like sasabihin niya, ‘O, dito mo ako aatakihin.’ Saka may kasama siyang doktor, tinatanong niya kung tama ‘yung galaw niya, so far okay naman lahat, walang naging problema sa shoot,” paliwanag sa amin.

Pero inamin ni Angel na may isang eksenang pumayag siyang magpadobol dahil hindi raw niya talaga kakayanin, “Nagpa-double lang ako kasi hindi ko keri tumalon sa Manila Bay hindi dahil sa hindi ko kayang tumalon kundi dahil sa skin disease. Sabi kasi ng mga seaman, kahit sila hindi sila tumatalon doon kasi grabe po.

“Kailangan mong magpa-anti tetanus shots. So hassle pa, pagsilip ko do’n sa dagat (mula sa barko), ‘yung mga isda lumulutang, mga patay hindi kinaya ang tubig. E, akong hindi naman taga-tubig bakit ako tatalon, bakit ko gagawin ‘to?

“In fairness sa production, hindi naman nila ako sinabihang gawin ko, ako lang ‘yung nagsabing ‘kaya namang gawin, ‘wag naman nating dayain ‘to.’ E, nakita ko, namatay ang mga isda, hindi kinaya, so nagpa-double po talaga ako,” sabi ng aktres.

q q q

Samantala, inamin din ni Angel na noong bago palang siya sa showbiz ay hindi siya masyadong seryoso sa craft niya, ang nasa utak lang niya noon, “Gusto kong kumita, mag-ipon at magpatayo ng bahay, kumbaga pera-pera lang.”

Pero nang makatrabaho niya ang premyadong aktres na si Amy Austria ay nabago ang pananaw ni Angel sa kanyang trabaho dahil nakita niya kung gaano ka-passionate ang veteran actress sa craft niya.

Ikinuwento ni Gel na nu’ng magsama sila sa fantaseryeng Mulawin ng GMA 7 ay marami siyang natutunan kay Amy, lalo na ang pagiging totoo sa bawat karakter na ginagampanan nila. Alam daw kasi ng mga manonood ngayon kung totoo o dinadaya lang nila ang kanilang emosyon.

At dito na nakakuha ng technique si Angel, “Nakita ko rin habang ino-observe ko siya, mayroon siyang kodigo everyday. May sarili siyang breakdown. Sinusulat niya kung saan nanggaling ang emosyon niya, saan pupunta kaya pag tinawag siya sa set, alam niya kung ano yung pinanggalingan niya, alam niya kung ano ang pupuntahan niya.

“Alam na rin niya ang linya niya. Alam na niya kung anong mangyayari sa eksena. Siya ‘yung unang nag-inspire sa akin na pag-aralan itong trabaho na mahal na mahal ko,” sey ng aktres.

Dagdag pa ng dalaga, “Kaya nu’ng nag-transfer ako sa ABS-CBN, ginagawa ko rin siya. Ngayon, hindi na uso kasi may mga revisions. Pero dito sa The General’s Daughter, mayroon akong kodigo. Pero sa iba, dahil on the set, nire-revise ang script, hindi ko na ginagawa. May ibang technique na ako. Doon nagsimula ‘yung passion ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na sa Jan. 21 ang The General’s Daughter kung saan makakasama rin sina Tirso Cruz III, Albert Martinez, Eula Valdez, Janice de Belen, Paulo Avelino, JC de Vera, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Ronnie Alonte, Loisa Andalio with the special participation of Maricel Soriano.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending