Germany nangangailangan ng 400 Pinoy nurse | Bandera

Germany nangangailangan ng 400 Pinoy nurse

Liza Soriano - January 11, 2019 - 12:10 AM

MAY naghihintay na trabaho para sa mga Pinoy nurses sa bansang Germany.

Sa kasalukuyan ay nangangailangan ng 400 na trabaho sa mga Filipino nurses na gustong magtrabaho sa nasabing bansa.

Tumatanggap na ang Philippine Overseas Employment Administration ng mga aplikasyon para sa nasabing posisyon sa ilalim ng Triple Win Project ng Germany.

Ang mga makukuhang aplikante ay magkakaroon ng panimulang buwanang suweldo na 1,900 euros (gross) na tataas pa sa 2,300 euros matapos kilalanin bilang qualified nurse.

Ang mga kuwalipikadong aplikante, dapat ay Filipino citizen, lalaki o babae, at permanenteng residente ng Pilipinas na mayroong degree na Bachelor of Science in Nursing, may aktibong Philippine Nursing License at may dalawang taon na professional experience (bedside) sa mga ospital, rehabilitation center at/o care institution.

Ang Triple Win Project ay isang joint initiative ng German Federal Employment Agency (BA) at ng POEA na layuning makapagpadala ng mga nursing professional sa iba’t ibang panig ng Germany.

Ang proyekto ay tinawag sa nasabing paraan dahil ang makakukuha ng benepisyo ay ang tatlong partido: ang Pilipinas, Germany, at mga nurse.

Ang aplikante ay dapat mayroong German language proficiency o handang sumailalim sa German language training sa Pilipinas upang magkaroon ng Level B1 (na babayaran ng employer) at kailangan silang dumalo sa mga language class sa Abril at Mayo 2019; o may Bl or B2 Language Proficiency Level alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages.

Ang employer din ang magbabayad ng visa at tiket sa eroplano mula Pilipinas patungo sa Germany at tutulungan ang mga empleyado na makahanap ng maayos na tutuluyan. Ang mga mapipiling nurse ang siyang magbabayad o sasagot sa gastusin para sa board and lodging.

Ang mga kuwalipikadong aplikante ay dapat magparehistro online sa www.eservices.poea.gov.ph at personal na magsumite ng mga kinakailangang dokumento (fastened sa isang folder) at may heading na “German Federal Employment Agency RSF No. 180028” sa Manpower Registry Division, Ground Floor, Blas F. Ople Bldg. (formerly POEA Bldg.), Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City.

Ang mga dokumentong kailangan ay cover letter at curriculum vitae na mayroong colored passport size picture; High School Diploma (notarized copy); Nursing Diploma (notarized copy); Board Certificate at kopya ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC); Certificate of employment in related field (previous and current) (notarized copy); Attendance at/o level certificate sa German language, kung mayroon; kopya ng valid Passport; at Certificate ng POEA online Pre-employment Orientation Seminar (PEOS) (peos.poea.gov.ph).

Ang mga aplikante ay kailangang magpakita ng mga orihinal na dokumento para sa authentication ng mga impormasyon bago ito ipadala sa employer.

Nakatakdang magsagawa ng interview ang mga employer sa pagtatapos ng Marso 2019.

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikas-yon sa POEA Central at Regional Offices ay sa Pebrero 28, 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending