Monsour: SEA Games paghandaan na | Bandera

Monsour: SEA Games paghandaan na

- January 10, 2019 - 08:09 PM

SINAGOT ni 2019 SEA Games chef de mission Monsour Del Rosario (una sa kaliwa) ang tanong mula sa sports media sa ginanap na “Usapang Sports” forum na hatid ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Maynila. Nakasama ni Del Rosario sa forum sina TOPS president Ed Andaya, Eric Buhain at Carlos “Pinky” Brosas.

 

MAHIHIRAPAN ang Pilipinas na mapanalunan ang overall championship ng 2019 Southeast Asian Games subalit magiging matagumpay ang pag-host ng bansa sa kada-dalawang taon na sports event kung titigilan ang alitan at magtutulungan ang lahat.

Ito ang naging mensahe ni 2019 SEA Games chef de mission at Makati City Rep. Monsour del Rosario para sa mga atleta, sports leader at stakeholder ng Philippine sports.

“If we stop bickering, set aside our differences and work together as one, we can ensure the country’s success in the biennial competition. The Filipino athletes are talented enough to be the best in Southeast Asia, but we still have a lot of work to do to win the gold medals,” sabi ng 53-anyos na dating taekwondo champion sa ginanap na “Usapang Sports” forum na hatid ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila Huwebes.

“Ang labanan sa SEA Games, paramihan ng gold medal. Even if we are the host nation, it will be difficult for us to be number one although hindi naman imposibleng mangyari ‘yan. We just have to work hard for it,” sabi pa ni Del Rosario.

Ang biennial competition ay nakatakdang ganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Maynila, Subic at Clark.

Hinimok din ni Del Rosario, na nagwagi ng mga medalya para sa Pilipinas sa SEA Games, Asian Games at World Championships mula 1982 hanggang 1989, ang iba’t ibang national sports organization na paghandaan na ang nasabing sports event.

“If we want to win the gold medal, we have to train like we are aiming for the gold,” dagdag pa ni Del Rosario, na nirepresenta rin ang banswa sa 1988 Seoul Olympic Games.

Nakasama rin ni Del Rosario sa weekly sports forum ang mga Olympian swimmer na sina Carlos “Pinky” Brosas at Eric Buhain.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending