PBA Season 44 bubuksan na | Bandera

PBA Season 44 bubuksan na

Melvin Sarangay - January 12, 2019 - 09:36 PM


Laro Ngayong Linggo (Enero 13)
(Philippine Arena)
4 p.m. 43rd Season Leo Awards
5 p.m. 44th Season Opening Ceremonies
6:30 p.m. Barangay Ginebra vs TNT

MAKUHA ang buwena-manong panalo ang habol ng Barangay Ginebra Gin Kings at TNT KaTropa sa pagbubukas ng Philippine Basketball Association (PBA) Season 44 ngayong Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Bago ito ay malalaman muna kung sino kina June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen at Stanley Pringle ng NorthPort Batang Pier ang tatanghaling Season 43 Most Valuable Player sa gaganaping 43rd Leo Awards dakong alas-4 ng hapon na susundan ng Season 44 opening ceremonies ganap na alas-5 ng hapon at ang Philippine Cup opening game sa pagitan ng Barangay Ginebra at TNT dakong alas-6:30 ng gabi.

Habol ni Fajardo na mauwi ang ikalimang sunod na season Most Valuable Player award subalit matinding karibal niya para sa naturang parangal si Pringle na hangad na masungkit ang kanyang unang MVP plum.

Nagdesisyon naman ang PBA na gawin ang Leo Awards sa opening day para maiba sa dati nitong nakagawian na pagsasagawa ng awarding ceremony sa pagtatapos ng bawat season ng liga.

Nanguna ang 6-foot-10 center na si Fajardo bilang pangunahing kandidato para sa season MVP award matapos na mapagwagian ang Best Player of the Conference ng Philippine Cup at Commissioner’s Cup sa nakalipas na 43rd season ng liga.

Nakapanggulat naman si Pringle nang manguna sa overall statistical points matapos ang Governors’ Cup para maging palaban sa pinakaprestihiyosong parangal ng liga.

Maliban sa MVP award, bibigyang parangal din ang mga miyembro ng Mythical Team pati na rin ang tatanghaling Most Improved Player at Rookie of the Year award.

Susundan naman ang Leo Awards ng simpleng opening ceremony kung saan ipaparada ng 12 PBA teams ang kanilang mga manlalaro at muse bago simulan ng Gin Kings at KaTropa ang kanilang kampanya ngayong season sa opening game.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending