Barbie, Mika may congenital defect na 'Disprosopus' sa Kara Mia | Bandera

Barbie, Mika may congenital defect na ‘Disprosopus’ sa Kara Mia

Bandera - January 11, 2019 - 12:20 AM

MIKA DELA CRUZ AT BARBIE FORTEZA

Hindi pa man nagsisimulang umere sa primetime, mainit nang pinag-uusapan ang upcoming serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na Kara Mia.

Kwento ito ng magkapatid na Kara (Barbie) at Mia (Mika) na ipinanganak na may Disprosopus or craniofacial duplication, isang congenital defect kung saan mayroon silang dalawang mukha pero isa lang ang katawan.

Sa katunayan, iba’t ibang memes na ang kumalat online patungkol sa programa. Maging si Mika ay naintriga sa concept ng kanyang bagong show sa GMA, “Well sa totoo lang nakakaintriga naman kasi talaga and it also took us awhile to get used to the idea.

“We found it quite creepy also at first but when you go deeper into the story du’n mo maa-appreciate, eh. It’s special, it’s unique at naniniwala akong makikita din nila yun,” aniya pa.

Kaya naman todo abang na ang fans sa nalalapit na pagsisimula ng Kara Mia kung saan makakapareha ni Barbie ang kanyang boyfriend na si Jak Roberto habang si Paul Salas naman ang makakatambal ni Mika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending