2018 MMFF winasak ang 2017 record, kumita ng mahigit P1B
NAGTALA ng bagong record sa takilya ang 2018 Metro Manila Film Festival ayon sa statement na inilabas ni MMFF/MMDA Chairman Danilo Lim.
Ito’y sa kabila nga ng ilang naging problema at isyu habang tumatakbo ang taunang filmfest, kabilang na ang ilang araw na pag-ulan nitong nakaraang holiday season.
Ayon kay Lim, kinabog ng 44th MMFF ang Christmas at New Year box-office grosses ng mga nakaraang taon. Sa date na Jan. 6, nakamit ng festival ang P1 billion mark at dinaig na nito ang 2017 earnings.
Sa huling araw ng movie fest, Jan. 7, umabot sa P1,060 billion ang gross ng lahat official entries. Sampung milyong pisong mahigit sa 2017 record na P1,050 billion.
Binigyan ni Lim ng special mention ang credible results mula sa MMFF jury nu’ng Gabi ng Parangal kaya naman ang mga pelikulang nabigyan ng awards na mahina sa takilya sa unang araw ng festival ay biglang lumakas, kabilang na ang “Rainbow’s Sunset” nina Eddie Garcia at Gloria Romero.
Sa 45th year ng MMFF, makakasabay nito ang selebrasyon ng Centennial ng Philippine Cinema. Kaya naman gusto nilang maging maaga ang preparasyon para sa 2019 MMFF.
“We want to continue the partnership and prepare for it early on. We look forward to more significant and groundbreaking entries and activities that would further develop the audience’s love for Filipino films, develop and discover new talents through the student short films, and maximize exposure and linkages with international festivals,” bahagi pa ng statement ni Lim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.