MMFF MOVIE REVIEW: 'The Girl in the Orange Dress', love story na kinapos sa kilig | Bandera

MMFF MOVIE REVIEW: ‘The Girl in the Orange Dress’, love story na kinapos sa kilig

Leifbilly Begas - December 30, 2018 - 06:12 PM

NAHIRAPAN ka man maghanap ng sinehan para sa pelikulang “The Girl in the Orange Dress”, kapag napanood mo naman ito ay tiyak na mapapangiti at medyo kikiligin pa.

Kung pila sa ibang pelikula ng Metro Manila Film Festival, aalog-alog naman ang nanood ng pelikulang ito kaya makakapanood ka nang mas kumportable dahil wala kang masyadong katabi, at hindi masyadong maingay.

Feel good ang movie na sana ay mapanood ng mga taong may dinadalang mabigat na problema para gumaan-gaan naman ang kanilang pakiramdam.

Wala namang pinag-iba sa typical na love story ang kwento —nagkakilala, na-in love at naging sila sa dulo ng pelikula. Isang sikat na artista (sa ibang movies ay hari, may mataas na antas sa society o mayaman) na nagmahal ng ordinaryong tao.

At gaya ng ibang love story merong third party—si Kai ang best friend ng bidang si Anna Elizabeth Villegas (Jessy Mendiola) na obsessed sa artistang si Rye del Rosario (Jericho Rosales).

Nag-away yung mag-best friend dahil sa lalaki, istorya na ilang beses nang nagamit sa mga naunang pelikula at mga kuwento sa pocket book.  Love story na parang kinulang sa kilig.

Obvious din ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangalan ng hotel kung saan ginawa ang movie. Lahat ng pagkakataon na pwedeng mabanggit ay hindi pinalagpas.

Gaya ng maraming pelikulang Pilipino, hindi nagugulo ang hair and makeup ni Anna. Talagang “I woke up like this” ang peg.

Puno ng kilig lines.

Nakadagdag din sa spice ng movie ang mga cameo roles ng mga artista lalo na si Lucky Manzano knowing na siya ang tunay na “nagmamay-ari” sa puso ni Jessy sa tunay na buhay.

Kahit papaano ay pag-iisipin naman ng mga manonood ng movie. Ang question, nag-sex (one night stand) ba sila the first time that they’ve met?

Sa last part ng movie ay tinanong ni Boy Abunda (as himself) kung may nangyari ba sa kanila sa una nilang pagtatagpo? Remember nagising ang dalawa na magkatabi sa isang kama sa room 1501 ng hotel.

Pero nang bumangon si Anna siya ay naka-under garments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi direktang sinagot ni Rye ang tanong ni Kuya Boy alang-alang sa privacy ng dalawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending