Mag-asawa, 2 anak patay sa sunog | Bandera

Mag-asawa, 2 anak patay sa sunog

|January 09,2019
facebook
share this

Mag-asawa, 2 anak patay sa sunog

- January 09, 2019 - 06:43 PM

NASAWI ang apat na miyembro ng pamilya sa sunog sa Sto. Niño, Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Nadiskubre sa bangkay ng mag-asawang Romas at Lendalyn Rose Sumaid, kapwa 27, at mga anak na sina Kaizer Lee, 6 at Faye, 3 matapos maapula ang apoy.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni FO3 Amalia Bartolome na nagsimula ang sunog alas 2:52 ng madaling araw sa Divino st.

Umabot ng unang alarma bago idineklarang fire under control alas-3.
Maliban sa bahay ng pamilya Sumaid, tatlong iba pa ang naabo sa sunog.

Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog.

Tatlo katao rin ang namatay sa sunog na tumupok sa higit 50 bahay sa Parañaque City, kamakalawa.
Isa sa mga biktima ang nakilalang si Maria Jocelle Maglakas, 5, ng Daang Batang, Brgy. Moonwalk.
Nagsimula ang sunog alas 2:49 ng hapon at agad iniakyat sa ikaapat na alarma. Naapula ito alas-5.

Mall natupok

Nasunog ang isang fast food chain sa loob ng Victory Mall sa Caloocan city, alas-1:38 ng hapon kamakalawa.
Hindi naman naapektuhan ang operasyon ng mall sa kabila ng sunog.
Umabot ito ng unang alarma at kaagad rin naapula makalipas ang ilang minuto.
Nabalot naman ng usok ang ilang bahagi ng mall kaya nag-panic ang ilang nasa loob.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending