Horoscope, January 09, 2019 | Bandera

Horoscope, January 09, 2019

Madam Sophia |January 09,2019
facebook
share this

Horoscope, January 09, 2019

Madam Sophia - January 09, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Hindi pa tapos ang iyong suwerte. May darating pang mas malaki at mas marami. Sa pag-ibig, muling mag-aalab ang relasyon habang patuloy na lumalamig ang panahon. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Savitre-Om.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito samantalahin ang magagandang pagkakataon. Sa pinansiyal magagawa mo na ngayong doblehin ang iyong income. Sa pag-ibig, may umaalis upang pagkatapos ay may muling dumating. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Walang ano-ano ay biglang mapapasaiyo ang magagandang kapalarang hindi inaasahan. Ang dapat lamang gawin ay matutong magpasalamat. Mamayang gabi, sa harap ng altar ay magsindi ng kulay red na kandila at magpasalamat sa lahat ng mga biyayang natanggap. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Krisna-Om.” Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kahit na pumalpak ang diskarte noong nakaraan taon, hindi masama kung magsisimula kang muli ngayon. Sa taong ito, magdagdag ng investment upang madagdagan ang kita. Sa pag-ibig, tuloy ang maligayang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 1, 7, 19, 25, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Om.” Green at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Pera na naman ang problema! Napakahilig mo kasing mangutang. Humingi ng tulong sa isang Capricorn upang malusutan ang mga naniningil. Sa susunod ay huwag ka na kasing uutang kung wala ka namang inaasahang pambayad. Mapalad ang 4, 11, 29, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Babana-Om.” Blue at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito ng 2019 masosolusyunan ang mga problema kung lagi kang gigising nang maaaga. Unahan o sabayan mo ang pagsikat ng araw. Pagkatapos mag-me-ditate ay maligo ka agad. Kapag nagawa mo iyan, bubuhos ang maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 1, 10, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sa preskong pakiramdam at amoy bagong paligong kapaligiran lalong gaganda ang kapalaran.” Yellow at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ng 2019, kung hindi ka mag-iisip ng paraan upang yumaman, hanggang ganyan ka na lang! Mahusay na diskarte ang dapat. Iplanong mabuti ang future! Sa pag-ibig, paghandaan ang biglang pagdating ng illicit love affair, na mas malinamnam kaysa sa legal. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Mirabilis-Miraculum.” Pink at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa mga materyal na bagay! Mas magiging masaya sa malusog na pangangatawan at sa buo at nagmamahalang pamilya – ang mga bagay na iyan ang dapat mong pahalagahan ngayong taong ito ng 2019. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Bheeja-Om.” Gray at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Wag apurahin ang pag-unlad! Sa inot-inot na pag-iipon at mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang kasuyong Leo na wala namang silbi, palitan ng isang Cancer. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manu-Horan-Om.” Red at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Iwasang umasa sa biglang suwerte! Pero dapat paminsan-minsan tumataya ka rin sa lotto. Tumaya sa lotto, suwerte ka mula sa ika-1 ng Pebrero sa ika-31 ng Marso. Sa ganyang paraan ay makakasapol ka ng malaking panalo. Mapalad ang 9, 15, 18, 21, 27, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Rama-Om.” Pink at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa pagsasakprisyo alang-alang sa iba, mas malaking salapi ang kikitain. Habang sa pag-ibig, ganoon din ang gawin, iukol ang lahat ng bagay para sa iyong minamahal. Sa ganyang paraan ka magiging maligaya. Mapalad ang 2, 13, 25, 34, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sol-Dasa-Om.” Green at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi masamang tumulong sa kapwa, pero huwag naman sobra. Sa panahong maraming tukso at mga pagsubok, upang huwag maligaw ng landas, laging i-priopritize ang kinabukasan ng pamilya. Sa pinansiyal, isang Sagittarius ang tutulong sa iyo at mag-aabot ng malaking halaga. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Veni-Vidi-Vici.” Yellow at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wala nang ibang panahon kundi ngayon na upang magbago. Balasahin ang mga maling ginagawa. Panahon na upang lalo pang pagbutihin ang buhay upang bumuti rin ang kapalaran. Sa pag-ibig, maghanap ng kasuyong mapera, siya ang magpapayaman sa iyo. Mapalad ang 7, 18, 22, 25, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Am-Gayatri-Dheva-Om.” Red at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending