Boy ikinumpara kay Kareem Abdul Jabbar | Bandera

Boy ikinumpara kay Kareem Abdul Jabbar

Julie Bonifacio |January 09,2019
facebook
share this

Boy ikinumpara kay Kareem Abdul Jabbar

Julie Bonifacio - January 09, 2019 - 12:10 AM


NAG-VIRAL sa social media ang ipinakitang basketball moves ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang late-night talk show na Tonight With Boy Abunda.

Nagpakitang-gilas si Kuya Boy ng kanyang basketball moves during his interview with Grae Fernandez sa episode ng TWBA last Thursday.

Sa bagong pakulo ni Kuya Boy ay may ibinigay siyang “abundant gift” kay Grae na naglalaman ng isang bola ng basketball.

Favorite sport kasi ni Grae ang basketball and proud niyang sinabi na he’s above average as a player.

Kaya nagpaturo si Kuya Boy kay Grae on what’s the right way to dribble the ball. Matagal na rin daw kasi niyang gustong matutong mag-basketball.

Nakakatuwa ang porma at galawan ni Kuya Boy habang pinapanood siya on TV. Tamang-tama naman ang suot niyang terno na long-shirt and shorts with matching rubber shoes. Thanks to his stylist na si Demi na ibang klase rin ang fashion sense.

Na-amaze at na-amuse ang netizens sa ginawa at ipinakitang porma ni Kuya Boy sa pagdi-dribble kaya naman nakalikha agad sila ng memes na mabilis nag-viral sa social media.

Sa isang Facebook page ay ikinumpara si Kuya Boy sa basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar. Tinawag naman nila si Kuya boy as Kareem Abunda-bbar.

Anyway, habang pinapanood namin si Grae sa TWBA pilit naming hinahanap ang anumang resemblance niya sa kanyang daddy na si Mark Anthony Fernandez or kahit sa kanyang lolo na si Rudy Fernandez.

Pero kapag pinakinggang mabuti ang boses ni Grae, aba’y 100% naman na kaboses niya ang kanyang daddy Mark.

Kung buhay lang ang yumaong manager ni Mark at ng mga kasamahan niya sa Gwapings noon na sina Jomari Yllana at Eric Fructuoso, malamang bubuo ulit siya ng grupo ng mga anak ng Gwapings.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pareho na ring nasa showbiz ang anak nina Mark at Jomari (Andrei), habang sinubukan naman ng anak ni Eric na si Frederick na sumali sa StarStruck noong 2015 pero hindi siya pinalad na manalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending