Calasiao magsisilbing host ng 2019 PBA All-Star Week

By Melvin Sarangay January 09,2019
share this

Calasiao magsisilbing host ng 2019 PBA All-Star Week

By Melvin Sarangay January 09,2019
share this

ANG 2019 Philippine Basketball Association (PBA) All-Star Week ay gaganapin sa Calasiao, Pangasinan.

Ito ang sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial sa ginanap na PBA Season 44 press conference sa Conrad Hotel noong Martes.

Sinabi rin ni Marcial na papalitan na rin ng liga ang Luzon-Visayas-Mindanao format na ginamit ng PBA sa nakalipas na dalawang taon para ipagdiwang ang nasabing okasyon.

“Calasiao won the bidding so we will stage the All-Star Week there in March,” sabi ni Marcial. “It’s only going to be in one city.”

Noong isang taon, ang taunang event ay ginanap sa tatlong magkakaibang venue sa Batangas, Iloilo at Davao noong Mayo 23 hanggang 27.

Magbubukas naman ang ika-44 season ng PBA ngayong darating na Linggo, Enero 13, kung saan magsasalpukan ang Barangay Ginebra Gin Kings at TNT KaTropa Texters sa openg game ng 2019 Philippine Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending