CANCER Awareness Month ang buwan ng Enero kaya naman pinaaalahanan ang lahat sa panganib ng kanser. Nakakatakot kasi ang sakit na kanser dahil mahirap itong gamutin at iba’t iba ang pinagmumulan nito gaya na lamang ng kanser sa utak, baga, atay, bituka, colon, pancreas at maging sa balat.
Narito ang ilang mga paaala o payo na dapat mong tandaan para makaiwas sa sakit na kanser:
1. Umiwas sa paninigarilyo at alak.
2. Umiwas sa polusyon at usok ng sasakyan.
3. Umiwas sa matinding sikat ng araw. Puwede kasing magdulot ng kanser sa balat ang laging pagpapaaraw kaya kung pupuwede ay gumamit ng sunblock.
4. Umiwas sa pagkain ng sunog na pagkain o “smooked” food tulad ng tinapa at barbeque. Puwede kasing mga kemikal dito na nagdudulot ng kanser.
5. Bawasan ang maalat tulad ng asin, patis, toyo o bagoong. Bagamat hindi pa tiyak ayon sa mga eksperto puwede kasing mag-trigger o gumising ang mga selula natin at maging kanser ang mga ito.
6. Umiwas sa mga lamang loob tulad ng bopis, di-nuguan, bituka at iba pa. Hindi kasi ito malinis kainin at baka magdulot ito ng masama sa iyong katawan.
7. Iwasan ang pagkaing kalye. Bawasan ang pagkain ng fishball, kwek-kwek, betamax at iba pang tulad nito.
8. Bawasan ang pagkain ng “processed meats” tulad ng hotdog, longganisa, sausage, bologna at iba pa.
9. Magbawas sa pritong pagkain. Lalo na kung paulit-ulit ang paggamit ng mantika na pang-prito.
10. Umiwas sa araw-araw na pagkain ng karneng baka at baboy. Dapat ay tanggalin ang taba o huwag kumain
nito.
11. Kumain ng maraming gulay at prutas. Puwedeng kumain ng manok at isda. Mas hahaba ang buhay mo kung ikaw ay magiging vegetarian.
12. Iwasan ang galit, inis at iba pang negatibong emosyon. Mas mabuti kasi na may positibong pananaw sa buhay dahil makakapagpalakas ito ng iyong katawan at magpapahaba ng iyong buhay.
13. Maging aktibo at mag-ehersisyo ng tatlo hanggang apat na beses sa loob ng isang linggo.
14. Alamin kung may lahi kayo na may kanser. Kung may lahi kayo ng kanser sa pamilya, magpasuri sa doktor ng regular.
15. Magpa-check up sa doktor kada anim na buwan o bawat taon. Ikonsulta ang in-yong nararamdaman dahil makakatulong ang doktor para malaman ang iyong sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.