Thea lumuhod, nag-propose kay Rayver sa Asawa Ko, Karibal Ko | Bandera

Thea lumuhod, nag-propose kay Rayver sa Asawa Ko, Karibal Ko

Ervin Santiago |January 07,2019
facebook
share this

Thea lumuhod, nag-propose kay Rayver sa Asawa Ko, Karibal Ko

Ervin Santiago - January 07, 2019 - 12:05 AM

NAKAKALOKA ang episode last Saturday ng GMA Afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko! Tinutukan talaga ng Kapuso viewers ang pagpo-propose ni Thea Tolentino bilang si Venus kay Rayver Cruz na gumaganap naman bilang Gavin.

In fairness, umani ng samu’t saring reaksyon mula sa televiewers ang proposal ni Venus kay Gavin habang umiiyak sa harap nila si Rachel (Kris Bernal), ang babaeng tunay na mahal ni Gavin.

Wala nang nagawa si Gavin nang ibandera ng transwoman na si Venus ang kanyang pagmamahal at ianunsyo nga sa lahat ng bisita sa kanilang party na handa siyang pakasalan ito. Biglang lumuhod ang operada at retokadang transgender kay Gavin at inilabas ang sing-sing.

Wala nang nagawa si Gavin kundi sumagot ng “yes” dahil naipit na siya sa sitwasyon at ayaw din niyang mapahiya si Venus at magalit sa kanya ang kanilang anak na si Belle. Ngunit alalang-alala din siya nang makitang iyak nang iyak si Rachel.

Pero digital na nga ang karma dahil desidido na ang dati niyang dyowa na si Daniel na ibuking kina Gavin at Rachel ang tunay niyang pagkatao. Ano ang gagawin ni Venus para patahimikin si Daniel at manatiling lihim ang kanyang pagiging transwoman? Yan ang dapat abangan sa pagpapa-tuloy ng kuwento ng Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending