Aiko sa mga baguhang artista: Hindi porke marami kayong followers sa socmed made na kayo | Bandera

Aiko sa mga baguhang artista: Hindi porke marami kayong followers sa socmed made na kayo

Ervin Santiago - January 07, 2019 - 12:25 AM


BINASAG ni Aiko Melendez ang trip ng ilang baguhang artista lalo na ang mga young celebrities na feeling superstar na dahil lang sa dami ng followers nila sa social media.

Malalim ang hugot ng award-winning actress dahil talagang nag-post pa siya sa Facebook para lang ibandera ang kanyang nararamdaman. Hindi pinangalanan ni Aiko kung sino ang pinatatamaan niya pero si-gurado kaming base ito sa kanyang personal experience.

Simulang chika ng tinanghal na 2018 MMFF Best Supporting Actress para sa “Rainbow’s Sunset”, “For the Newbies: The more you go up, the more you should be humble. Always keep your feet on the ground. Never allow stardom to eat the best of you.

“Ang observation ko kasi sa mga baguhan now kapag madaming followers sa twitter or Instagram, ibig sabihin made ka na. Nope po.

“Ang basis ng kasikatan ng artista is not only with one hit. Kaya nga me tinatawag na longevity, hanggang san tatagal ang kinang at galing mo?

“Yung iba kasi ginagamit din ang pagiging diva sa imaging. But for me. mas gugustuhin ko madinig sa katrabaho ko na, ‘Ay si Ms Aiko, ang gaan kasama sa work at magaling na artista.’ Kesa sa madinig na ang bigat nya kasama.

“I am speaking based on the fact na 30 years na ako sa industry at modesty aside wala pa ako naringgan na nagreklamo sa akin.

“Ayan tularan sana ng mga baguhan yan! Be Humble.”

Naku, sino nga kaya ang target ng aria ni Aiko? Siguradong nakatrabaho na niya ito o kasalukuyang kasama sa ginagawa niyang proyekto ngayon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending