Aktres naglayas, nabuking na may ibang kinakalantari ang BF na aktor | Bandera

Aktres naglayas, nabuking na may ibang kinakalantari ang BF na aktor

Cristy Fermin - January 07, 2019 - 12:15 AM


SA termino ng mga nakakaalam ng kuwento ay nag-alsa-balutan ang isang kilalang female personality nang mangibang-bansa siya. Hindi siya nagpaalam sa kahit sino, maging sa kanyang karelasyon, basta umalis na lang siya.

Nagulantang na lang daw ang kanyang boyfriend nang malaman nitong umalis na pala ang babaeng personalidad. Kung bakit hindi siya nagpaalam sa aktor ay malaking kuwestiyon ngayon para sa kanilang mga kaibigan.

Kuwento ng aming source, “’Yun ang istoryang kumakalat ngayon sa network nila. Basta na lang palang umalis ang girl nang hindi nagpaalam sa boyfriend niya.

“Nakakagulat nga naman ‘yun, di ba? Ano ang dahilan at ni hindi man lang siya nagpaalam sa mga nag-aalaga sa career niya and much more, sa karelasyon niya?” simulang chika ng aming impormante.

Marami palang gaga-wing trabaho ang aktres nitong mga nakaraang buwan, nasa kanya na ang schedule ng kanyang mga trabaho, pero nagulat na lang ang mga ito nang malaman na nasa ibang bansa na pala siya.

“Wala namang problema, nasa ibang bansa naman kasi ang family niya, so kung gusto man niyang mag-spend ng holidays du’n, e, hindi na nakapagtataka.

“Pero ‘yung umalis siyang parang inilihim niya ang pag-alis, ano ‘yun? Pati ang boyfriend niya, e, hindi alam na aalis pala siya? Nakapagtataka nga naman ‘yun!” chika uli ng aming source.

Masyadong pribado ang relasyon ng aktres at ng aktor. Kahit pa sobrang obvious nang sila ay wala pa namang umaamin sa kanila. Puro ngiti lang ang sagot nila sa mga nang-uusisa tungkol sa maganda nilang pagtitinginan.

“May isang kuwento kasing lumabas na nagkaroon sila ng problema ng boyfriend niya. May nag-chika raw sa girl na may ibang pinagkakaabalahang girl ang boyfriend niya.

“’Yun daw ang reason kung bakit kahit tapos na ang trabaho ng BF niya, e, hindi pa rin umuuwi. Siyempre, nagtse-check ang girl kung nasa house na niya ang guy, di ba?

“Mukhang may problema pa sila hanggang nga-yon, kasi, matagal nang umalis ang girl, pero hindi pa rin siya bumabalik,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walk in the park ito, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakada-ling hulaan kung sinu-sino sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending