Kris nanindigan para kina Vice Ganda at Bimby: Please stop bullying us, mali kayo!
MAY resbak ang Queen of Social Media na si Kris Aquino sa mga netizens na patuloy pa ring gumagawa ng issue tungkol sa kanila ni Vice Ganda.
Iniintriga kasi ang pagpapa-block screening ng bunso niyang anak na si Bimby para sa 2018 sa MMFF entry ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Alam naman ng lahat na napalapit na si Bimb sa magsisteraka dahil na rin sa pagmamahal ni Kris sa dalawa.
Sumunod dito, bumili rin ng maraming ticket si Kris para naman sa MMFF entry nina Coco Martin, Vic Sotto at Maine Mendoza, talagang hinabol pa ng mommy nina Bimby at Joshua ang last screening para sa “Jack Em Popoy” kahit na galing pa siya sa buong araw na pagtatrabaho.
Kaya naman umariba na naman ang mga bashers at nagsabing patunay daw ito na may samaan pa rin sila ng loob ng Unkabogable Star. Hindi naman ito pinalagpas ni Kris at talagang naglabas ng “resibo” para patunayan na love na love pa rin nila ni Bimb si Vice.
Narito ang kabuuan ng post ni Kris sa kanyang Instagram hinggil sa isyung ito. Aniya, “Dahil ito ang katotohanan.
“Because my bunso sincerely loves @praybeytbenjamin, his tito vice. i asked to see his phone, and asked bimb’s permission if i may post his text exchange w/ tito vice. Kung ako lang ang iintrigahin- honestly, care bears.
“But my 11 year old still has a pure heart & i’ll do all i can to keep it that way… Inuna ni bimb as you can see December 26 yung text nya offering a Fantastica block screening. Now please stop bullying us, for this issue- MALI KAYO.
“Sa mga magsasabing bakit ako pumatol at nagpa stress, SIMPLE- because i realize it is your goodwill that sustains us so you deserve an opinion BUT more than that what’s at stake is Bimb’s friendship w/ his tito Vice. I think by now obvious- for my sons kayang manindigan, magsumikap, makipaglaban at magpakumbaba. THANK YOU, Next?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.