Kiray Celis sa GMA: Salamat po sa chance! | Bandera

Kiray Celis sa GMA: Salamat po sa chance!

- January 06, 2019 - 12:15 AM

KIRAY CELIS

MULING pinasalamatan ni Kiray Celis ang GMA 7 sa mainit na pagtanggap sa kanya kahit na galing siya sa kalabang network.

Nagsimula si Kiray sa ABS-CBN bilang child star sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit at makalipas nga ang ilang taong pagiging Kapamilya, isa nang certified Kapuso ang dalaga matapos pumirma ng kontrata sa GMA.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kiray ng mahabang mensahe bilang pasasalamat sa Kapuso Network na nakatakdang magbigay sa kanya ng mga bagong oportunidad bilang artista.

Aniya, “NEW YEAR. NEW CHAPTER. NEW WORKPLACE. Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa akin, GMA ARTIST CENTER.

“Excited po ako sa aking bagong kabanata sa aking buhay. Salamat sa chance na binigay niyo sa akin para mas lalo ko maipakita sa mga manunuod kung paano ko pa sila mapapasaya at mapapangiti,” aniya pa.

Ibinalita rin ng bagong Kapuso comedienne na nakatakda na siyang mag-guest sa iba’t ibang show ng GMA tulad ng Daig Kayo Ng Lola Ko at Dear Uge bago siya sumalang sa unang serye niya na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado and Gabby Concepcion.

Pagpapatuloy pa ni Kiray, “Kung ano pa yung di nila nakikita at kung ano pa yung kaya kong ipakita. Hangad ko lang ay trabaho at makapag pasaya ng mga tao.

“Kaya abangan niyo po ako sa mga guestings ko sa DAIG at ang aming upcoming show nila ms jennylyn mercado and Sir gabby concepcion at.. sa sabado po, abangan niyo po ako sa MAYNILA. 9:45am. At DEAR UGE 2:30. ngayong linggo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending