Mga Laro Bukas
(The Arena)
4 p.m. Lyceum vs Perpetual Help
6 p.m. Letran vs St. Benilde
Team Standings: Letran (3-0); San Beda (3-1); Perpetual (2-1); Lyceum (2-1); San Sebastian (2-2); JRU (2-2); Arellano (2-2); Mapua (1-3); Emilio Aguinaldo College (1-3); St. Benilde (0-3)
SINANDALAN ng Jose Rizal University ang magkasunod na split sa 15-foot line nina Cris dela Paz at John Paolo Pontejos sa huling 5.9 segundo para maitakas ang 73-71 overtime panalo sa inaalat na host College of St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nasuwertehan ni Dela Paz na nasa tamang puwesto na matapik ni Michael Mabulac ang bola sa rebound play sabay hugot ng foul kay Jose Saavedra sa puntong tabla ang Heavy Bombers at Blazers sa 71-all.
Ang pangalawang buslo lamang ang naipasok ni Dela Paz pero sa sumunod na tagpo ay naging malakas ang outlet pass ni Roberto Bartolo para sa error.
Napilitang mag-foul uli si Saavedra kay Pontejos na isa rin ang naipasok tungo sa dalawang puntos na kalamangan sa huling 4.6 segundo.
Naitawid ng Blazers ang bola at nakatira ng sana’y pampanalong tres ni Luis Sinco ngunit malakas ang banda ng bola at tumama sa dulo ng ring bago tumalbog papalayo ang bola.
Si Pontejos ay mayroong 17 puntos, mula sa 6-of-13 shooting, at 6 rebounds habang may 17 puntos rin si Philip Paniamogan para tulungan ang tropa ni JRU coach Vergel Meneses na umakyat sa 2-2 karta.
Nalaglag naman sa 0-3 baraha ang Blazers at patuloy silang minamalas dahil sa mga dikitang laro sila natatalo.
Bumangon ang Blazers mula sa 47-61 iskor at naitabla ang laro sa 61-all sa 3-point play ni Bartolo at humabol din mula sa 63-69 at itinabla sa 71-all sa layup ni Mark Romero.
Sa ikalawang laro, pinatumba ng Arellano University Chiefs ang Mapua Tech Cardinals, 65-59, para umangat sa 2-2 kartada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.